Monday, May 21, 2007

J.I.A. (James In America): May 18, 2001 Friday

    Oh gulat na kayo 'no? Naalala ko pa rin ang araw na iyon kasi ang remembrance ko para malala ang petsa ay dahil linggo ng eleksyon iyopn eh. May 14 ng Lunes ay mid-term elections kaya heto pa rin still remembering the good ol' times.

    O sige, stick with the program na ako. Ang araw na ito ang nagbukas ng pinto sa akin sa bago kong mundo, sa baong tirahan at sa bagong pagkakataon na maari kong gawin. Nasa Amerika na kami ng mga kapatid kasama ang mga magulang ko at ng lola ko. Nung May katorse pa pumasok sina Ate't Kuya sa eskwelahan na H.W. Longfelow Middle School. Unfortunately, kahit nung nasa SJA sila ay incoming 3rd year at 2nd year high school sila respectively,  bumaba ng ilang taon kasi ayon sa US standards, ang ga kagaya nina Ate ay dapat pumapasok pa lang sa middle school kaya si Kuya nasa 7th Grade at si Ate sa 8th Grade.

    Ako, pina-spend uli ako ng Grade 4 kasi May na, isang buwan bago matapoas ang current school year 2000-2001.

    PInakilala ako sa vice principas ng eskwelahan (Haycock Elementary School) na si Mrs. Docery. Mabait siya at tinulungan kami ng bunso ko na mabigyan ng quick tour ng school. Kaso, kailanagan muna namin maging tahimik kasi nagrereview ang buong student body para sa nalalapit nilang SOL Test (Standards of Learning). Eventually, pinakilala na ako sa m,giging homeroom teacher ko sa inassign saking section sa 4th Grade. Pangalan ng bago kong guro ay si Mrs. Shoemaker, malaking babae na may orange na buhok. Bahala na raw siya sakin sabi ng parents ko kaya iniwan na nila ako.

    PInagpatuloy niya ang quick tour sa'kin, ang clinic, ang mga fountains na nakadikit sa mga pader, ang super liit na comlab, at siyempre ang kalooban ng bago kong magiging silid-aralan. Kainis nga at wala akong dala masyadong mga gamit, naiwan ko pa ang bagong bili sa'king binder na may mga lamang papel na pin-uncher na may tatlong butas. Wala pa nga akong dalang lapis, sobrang kahihiyan ang naramdaman ko pero ok lang. Wala naman akong paki kasi dumating na ang mga magiging mga kamag-aral ko sa nalalabing buwan ng 4th quarter. Nagulat na sila nang makita ako. Nagsilapitan ang karamihan sa'kin.

    Tapos, pinatayo ako ng Mrs. Shoemaker para magpakilala ako sa kanila. Medyo nahihiya ako't kinakabahan. Nagsasalita nga lang ako nanginginig na ang mga binti ko pati na rin ang pananalita ko. Hindi kasi ako sanay na mag-Ingles na ganoong kadalas. Kung magpakilala nga ako parang kinekuwento ko na buong buhay ko kaso sobrang nahihiya kasi ako kasi ngayon lang ako kumausap gamit ang wikang hindi namana talaga ako komportableng gamitin. Iyun nga lang, naulit iyon nung bumalik ako sa Pilipinas at naakapag-aral sa SJA. Pinaupo ako sa dulo, ang mga katabi ko sa upuan ko ay mga naging friend ko, si Will, si April, at si Artium. Medyo halo nga kami dito ng lahi, may Hudyo, may Ruso, may Koreano, at pati Malaysian.

    Maaga pa rin naman at katatapos pa lang ng unang klase, ang sumunod na kasi eh, kung nalala ko pa eh PE na. Ang teacher ko sa PE ay si Mrs. Krenzberger. Ang pinalaro lang samin ay isang ball game na kung tawagin ay "SIberian" kaso di ko sure nga kung ito ang tawag kasi parang walang pinagiba sa touchball kasi layuinin nito ay hati sa dalawng grupo, pareho magbabatuhan ng bola sa kabilang grupo.

    Ang nakakatuwa, saya nilang makita ako, as in super excited! Sigaw sila ng sigaw na "We have a new student!!" Paulit ulit ito.  Suwerte ko nga kasi special day iyon, may one time experience kami na maglaro ng bowling sa labas ng school grounds. May isang saskyan na may built-in na bowling alley. First time ko rin naman, pinauna na rin ako. 1st try, bio pero nd is a charm, 'ika nga. nakatumba ako ng halos buong set.

    Sumunod ay tanghalian na, pinapunta na kami sa canteen (o cafeteria). Bawat isa ay nakalinya at may hawak na tray. Ang linyang iyon ay papunta sa kusina kung saan self-service ang pagkuha namin sa mga kakainin namin.Problema nga lang, pagpasok ko, ang mga kasamahan k ay may mga student money cards na maihahambing sa mga totoong credit cards. Wala akong gaon pero ksince first day ko nga naman, libre muna sakin. Gulat ako sa mga nakita ko! Merong mga nakahandang mga milk cartons, na may lamang gatas! Can you bvelieve it, totoo pala ang ga ito, di pala kungwarian ang mga nakikita natinsa TV. Siyempre, ang kinuha ko ay yung chocolate na gatas. Then, isang pre-made PBJ sandwich ang kunha ko pati mga assortment ng mga pagkain na mula sa lahat ng limang food groups!

    Siyempre, inofferan ako ng upuan. Mga katabi ko sina Eliot, Will, APril, Rachel, Clementine, Artium at marami pang mga onlookers. Siyemperds, kinakbahan ako. Mga tanong nila ay "What's your name?", "Where are you from?", "Where in the place is the Philippines?".
ANo kaya no, kung Amerikano ako at new student pa sa Pilipinas, anong klaseng treatment kaya ang mararanasan ko? As of this writing, naalala ko tuloy si Raymond Anderson nung 2nd Year. Kung anong harassment ang ginawa nina Marriz sa kanya, kawawa naman iyon. Kung magturo sila ng Tagalog, di tagalog ang tinuturo kungdi panay mura! Nasaan na ba ang Pinoy hospitality diyan? Haay.

    Balik sa kwento ko, trenta minutos lang ang lunch time na nakalaon sa 2 section ng grade four at di siya sabaya sa 2 pang section at ng ibang grade level. Buti nga lang nakita ko ung Pinoy friend ko sa school na si Abe Guniguindo nasa Grade 5. Di kaagad kami pinaalis pero pinaupo kami sa sahig malapit sa upuan. Orderly dapat at 2 maayos na linya ang dapat makikita. Inisip ko tuloy ano na next. Sabi nina William, recess na! "Recess?!" Kakakain ko nga l;ang, mag-rerecess na? Siyempre, iba ang indset ko ukol sa "Recess" at hindi ang tipo na recess na nararanasan sa SJA. Ang iniisip ko na recess that time ay lalabas at maglalaro kaso, praktikal ba iyon kung bagong kain ka. Sayang nga lang at di ako nakapagtanong kung bakit.

    recess nga, medyo ang soccer field sa tabi ay medyo mabato, di advisable na gamitin kaya inanyaya na lang ako maglaro ng soccer sa blacktop. Di nga lang ako tumagal ng 5 minutes kasi, tinamaan ako kaagad ng soccer ball deretso sa mukha ko. Salamat na lang, di basag ang salamin na suot ko, or worse: pati mukha ko baka mabasag.

Umayaw na ako sa paglalaro pero nangako naman ako na makikipaglaro ako sa kanila ng soccer kapag handa na ako. Lumibot ako sa buong playground at nasiyahan kasi kumpleto sila sa mga pasilidad. Di siya kagaya sa playground sa dating school ko na halos wasak na pero ginagamit pa rin. 30 minutes ang recess pero parang isang oras sdahil sa sobrang saya ko.

    for the rest of that period, nagswing lang ako, saya kasi ibang klaseng swing ang naransan ko. Matangkad ang structure, matibay ang chain at hindi kahoy ang upuan kungdi rubber. Ang playground area, bukod sa blacktop na reserve for basketball and the like, ay binubuo rin ng sangkatutak na wood chips. Di ko mapaliwanag pero lupa siya na kinoberan ng wood chips. Mga sixty -plus degrees celsius nung araw na iyon, ang suot ko ay t-shirt, maong pants at sweater na pambalot sakin kapag palabas ng bahay. Kapag hindi naman, tinatanggal ko ito whenever I'm inside (konyotik naman tong panunulat ko).

Last two periods na, ang una ay Social Studies. Siyempre, wala akong ka-ayde-idea sa mga lesson nila sa Social. Ang tinuturo sa mga 4th grades d2 ang kasaysayan ng Commonwealth of Virginia at ang geography nito. Doon ko nalaman na mga higit sa limang rehiyon ang humahati sa VA. Ito ay ayon sa klima, physical resources at demograhic differences.

Ang huli naman ay ang ayaw kong subject kailanman, MATH! AAHGGGG! Bale, surprised ako kasi past lesson na para sakin ang lesson nila nug time na iyon. Dividing long division Using Decimals. Bale, iba ang method nila, ang decimals, binabag nila at ginagawa nilang mga fractions. Kungwari 1 over 2 is 0.5, sa kanilang hindi decimal method ang ginagamit kungdi fraction method, deretso na kaagad one half ang ilalagay nila. Well, naninibago ako kaya halos mali ang nasasagot ko sa decimal method ako, sila hindi.

    3:20 na ng hapon. Uwian na, excited na ako sa mga mangyayari pagpasok ko na sa susunod na lunes. Kaso, di kaagad puede umuwi kasi by order siya. Meaning una ay ang Walkers o ang maglalakd lang pauwi, tapos Kiss and Ride, yung mga susunduin ng ga magulang nila sa parking lot and then yung mga saskay sa mga school bus. Excited nga ako sa school bus, buti nga naaalala ko na bus no. 1 ang naassign samin, kasi ang lugar namin, malapit sa ginagamit nilang ruta. Tumakbo ao palabas para hanapin si Jorge kaso pinigilan ako ng mga student patrol at nagsasabing bawal tumakbo. Nagpaliwanang ako na kailangan ko lang hanapin yung bunso ko para makaskay na kami sa bus. Eventually, nagkita kaming dalawa at magkatabi kami ng upo. Busmate rin namin si Abe (na nasa Ateneo na nag-aaral ngayon).

Ang saya ng pakiramdam ko nung panahong iyon. Simula na kasi ito ng bagong pakikipagsapalaran for me. Bagong tao, bagong maiiwasa, bagong pakikisamahan, bagong aatupagin at marami pang iba. Doon ko lang naramdaman ang pakiramdam kung paano pala maging isang estudyante sa Amerika. Ganoon pala ang feeling. Start na rin iyon ng magiging pangmatagalan na samahan sa mga naging malalapit ko nang kaibigan na friends ko na rin sa FACEBOOK.

Sa Haycock ko na rin naransan ang huling beses na matawagan ako sa palayaw ko na James imbes na Jaime. Nalilito nga sila sa pangalan ko eh kaya nag-stick na lang sila sa James. Di ba, saya?


No comments:

Post a Comment