Ano nga ba ang bago sa Batch 07 ng SJA? Kamusta naman ang buhay ng bawat isa sa kolehiyo. Paano rin kung nasa ibang bansa ka naman? Umaadjust sa bagong kapaligiran, mula sa mga kalye, kanal at baha ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela hanggang sa mga pasikot sikot na eskinita, daanan, abenida ng Maynila, hanggang sa riles ng Amtrax sa Florida at maganadang look ng Sydney.
Parang kamakailan lamang, kapag alas sais a singkwenta ng umaga eh pinapa-line up na tayo sa labas ng ating mga klasrum at talagang minamantika sa sobrang init ng humidity ng mga corridor. Pagpatak ng alas siete, magrerecite ang marami (ako di ko pa rin kabisado) ang morning prayer, tapos ang Mo. Francisca prayer, then kakanta ng Pambansang Awit, at magrerecite ng Panata, tapos kung lunes o biernes eh magrerecite pa ng Vision-mIssion then the singing of the SJA Hymn (tagalog kiapag Wednesday), tapos kapag hindi lunes, magrorosaryo (buti na lang, naksanayan ko na kung hindi, mahihimatay ako).
Pero ngayon, parang nakakapanghinayang, kasi marami pa rin sa mga kasamahan ko sa batch eh di ko pa rin kilala. Tignan ninyo, ngayon ko lang nalaman na isa sa mga kinakamusta ko eh ang pangalan pala niya ay Supnet as in ngayon lang. Si Dianne Hilario naman, eh kamakailan lang kami nagkakilala kaya dun ko nalamamn na siya pala ang Dianne Hilario na palaging pinag-uusapan. May mga gusto ko kauspain pero nahihiya ako, kasi maram,i mukhang nakakatakot, gaya nang makilala ko si Hnery Benaid, nung grad practice ko lang siya nakilala't nakausap. So sayang naman.
Ngayon, lahat kami ay nagkalat na sa buong Kamaynilaan kung hindi sa ibang sulok ng mundo. Si JB Villegas, kasama sana naming gagaraduate kaso nagmigrate ang pamilya at kasalukuyang namamahinga bago ang pagkabalik niya sa high school sa September (bilang Grade 11 student), habang si Russel I ay nagmigrate kasama ang pamilya sa Australia matapos makatapos sa SJA. Yung iba ay nag-aaral na sa iba't ibang mga kolehiyo't mga pamantasan at namumuhay ng sariling buhay bilang mga indibidwal.
Masuwerte ang ilan na magkasama halos ang buong barkada nila sa isang pamantasan at kung maari ay sa parehong kurso ang kanilang kinabibilangan. May mga magkaeskwela pero hindi tugma ang oras ng klase nila't kurso kaya halos hanggang kitakits sa mga lugar-lugar lang.
Ako, super lonely naman kasi kahit 4 kaming magkakurso ng Multimedia Arts sa De La Sale-College of St Benilde ay hindi naman magkatugma ang oras kaya sandali lamang ang aming bonding sessions. Hanggang kitakitz rin kami. Ang mga kasama ko sa AB-MMA ay sina Justin Santos, Gelli Punto at si Russel Plata na hindi naman namin kasama grumadweyt ng high school pero kasama naman namin nung nagtapos kaming magkabatch nung grade school pa lamangkami, Si Fred Dela Pena ay nagpupursue ng Industrial Design at kasalukayang kaseksyon niya ang mangilang mga Animation majors na froshes. Si Ace at Liana ay magkaklase sa HRM habang sina Ali at Maan ay magkaseksyon rin (di lang ako sigurado sa kurso nilang 2 pero under sila ng SHRIM) habang ang na-feminized na si Nicky A ay femme fatale na habang nasa old jolly dancing self si Nikko P. In short, sila lang ang madsalas nagkikitaan, ako, kung nagkakataon either during C-Break o kaya sa LRT.
Ngayon since nasasanay na ang bawat sa'min sa aming bagong tahanan, ang atensyon ay napupunta na sa bagong eskwela dahil nakaksalamuha na kami sa mga iba't ibang tao na galing sa iba't ibang antas ng buhay at pinanggalingan. Bukod pa diyan, natutunanan na nang bawat miyembro ng Batch 07 ng SJA ang mga values at tradisyones na dominiant sa kani-kanilang mga pamantasana at ang pagiging bagong salta mula sa high school ay unti-unting nawawala.
Masuwetre na rin ang karamihan sa Batch 07 na lahat sila ay matagal nang magkakilala at halos lumaki sa iisang lugar, lalo pa't magkalapit ang Malabon sa Navotas at Caloocan. Malas ko nga lang na 2 lang samin ang taga-Valenzuela pero itong si Engel eh medyo bonded na sa kabarakada niya na kanyang nabuo nung pumasok siya sa SJA. Suwerte rin ni Nikko DS na bukod sa kasama niya iisang block section si Dianne Naval eh mukhang komportable na rin siya sa bago nilang kapailigiran na kung tawagin ay ang Pamantasan ng Santo Tomas. Si Nicodemus, parang di ko naman masabi kung ano na ang estado ng kanyang adjusment sa USTe, kasi base sa kuwento nina Ms JQ at sa mga sulatin niya sa kanyang blog mukhang hindi smooth ang transition niya doon. Good luck na lang sa kanya at hindi sana bumigay sa pressures ng college lalo pa't lumang institusyon ang kanyang pinasukan.
Siyempre, high school social divides ay kita pa rin, ang mga elitista ng Batch 07 ay kasalukayan ngayo'y mga estudyante ng mga pinakasikat at kilalang mga pamntasan sa Kamaynilaan. Sina Mavs ay nasa Ateneo, si Mica ay nasa UP, si Mark Reyes ay pinurpursue ang scholaship niya na bigay ng UE (raw?) pero nag-aaral sa ADMU, sina Jeco, Robin, Camille, Mechel, Robert R, Lara, Sember atbp ay nag-aaral bilang mga Lasalista habang mayorya (raw) ng mga batchmates ay nasa USTe. Ang iba ay nag-aaral sa mga mga di kilala pero respetadong mga institusyon tulad ng MCU, CEU, CMU, PMI, atbp. May mga ilan rin naman na nag-aaral ngayon sa South Manila Ed Consortium na nasa Intramuros.
May sariling na kaming bagay na pinag-aabalahan at kung nagkataong nagkikta kami sa LRT ay kaway kaway at usap kung ano na ang nagyari sa buhay natin tapos ng high school. Hulaan ko, pagdating ng Enigma 07 sa Oktubre, marami na ang babalik na may pinagbagong anyo. go with the flow ika nga ang nangyayari samin tulad ng nakaraang batches pero kahit pa, di pa rin mawawala ang mga alala na aming ginawa habang kami ay nanatili sa loob ng higit na 4 na taon.
Kaya, habang hindi kami nag-rereunion, good luck na alng ang marami sa atin. Pati na rin ang miyembro na nagkakaroon pa ng mga problema, kakayanin natin ang lahat.
For God, For Country, For Saint James!!!!!
Monday, July 30, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hindi na ako babalik ng SJA...nainis na naman ako...parang ayoko ng balikan ang naging buhay ko dun...basta
ReplyDeleteyup UP manila si mica, Ateneo din si mark.....at diba october ang Enigma....hmmm.....
ReplyDeletehigh school is something special- that i can truly say. Pero the learnings, experiences and the new "realities" of college are what can make US special...ewan..hehehe
slamat sa koreksyuns :):):)
ReplyDeleteadd me...robin to...
ReplyDeletesa tatlong buwan kong pagtutubero, ito na ang pinakamalaking nakita ko...nasira na ang kubetaaaaaahhhh...
High school and college are two SO different worlds- different and yet incomparable.
ReplyDelete