SJA High School Reunion
By James Habitan
Ika-20 ng Marso 2017, ito ang gabi ng High School Reunion ng Batch 2007 ng Saint James Academy ng Malabon. Lahat ng mga inimbita ay dumalo, iba na ang mga itsura nila pagkatapos ng maraming taon na lahat sila’y nawalay sa isa’t isa pagkaraan ng ng kanilang graduation sa hayskul.
Maraming mga pamilyar na mukha rito: si Lani Reyes na medyo reklamadora, ngayon isang magaling na florista na may negosyong flowershop sa Navotas; Si Rang Cabanatuan, ang pinakasikat ng lalaki ng buong batch, rising star na ngayon sa Philippine Basketball League; at ang dating mataba na si Ronald Patrimonio, bodybuilder at gym instructor na siya sa Tonsuya, pagkatapos iyon sa maraming taong pagbubuhat ng weights sa Asmeg.
“Gabby? Ikaw ba iyan? Ako ito, si Cam!” sabi ng isang alumnus. “Cam? Ikaw nga ba iyan? Grabe, pare! Laki ng ipinagbago mo?” sabi ng isa pa. “Ahhh!! Ranelle, tagal na tayong hindi nagkita, as in!” sabi ng bruhahaha queen na si Mana Dominguez, “Friend, you look so yaman na? Sexy mo na, ha?”. “Well, not that I’m bragging anything, ang nakikita mo ngayon ay resulta ng aking pagpapa-lipo, courtesy of our dear friend, Dra. Augusta Singson-Calayan!” pagmayabang ni Ranelle kay Mana. Sa isang sulok ng auditorium, may mga magkakabarkada na ngayon lang muli nagkasama, “Lucky, ‘musta na ‘tol.” Bati ng Ron Valencia na dating kartunista ng pahayagang COX. “Well, okey lang ako, ineenjoy ko lang ang reunion”, sumagot ang Artist of the Year na si Leo Ramiro”. Nagtanong ang kaibigang si Jaycee Carlos, “Rinig ko, Lucky (palayaw ni Leo), nagpropose ka na kay Selina?”. “Tinanggihan niya ang alok kong magpakasal. Hindi raw siya handa, kaya cool-off muna kami pare” lungkot na sagot ni Lucky. “Dude, huwag ka mag-alala. Tingnan mo naman ang relasyon nina Rico Hizon at Angge Romero, Rio Sena at Nicolesa Aguila, Penang at Rev, Luisa Liu at Mari Collum, at Lauro de Tagle at Rita Borle. Lahat sila, dumaan sa mga awayan at hindi pagkakaunawaan, ngunit, naayon rin nila iyon dahil may tiwala sila sa isa’t isa”, payo ni Ron , “Hintayin mo ang pagkakataong stable na ang relasyon ninyong dalawa at magsasama kayo ng matagal”.
Samantala, pinag-uusapan na marami ang palapit na pagkakasal ng dalawa sa pinakasikat at pinakamatalinong miyembro ng kanilang batch. Dumating na rin sa wakas, ang hinihintay, ang magkasintahang Mariel Rodriguez at Kenmark Reynes. “Friendship, happy kami na ikakasal ka na. Inggit ako sa’yo”, maligayang sinabi iyon ng matalik na kaibigang si Shiela Hermosa. Sagot naman ni Mari, “Well, what can I say? I never thought that I can find the perfect guy within Kenmark. Hindi ko nga rin akalain noon na magiging kami na pagdating ng college!”
“Sweetheart, iwan ko muna kita rito, pupunta lang ako sa restroom at babati na rin ako sa dating nating kaklase” nagpaalam si Kenmark. Paalala ni Mari, “Okey, honey. Balik ka kaagad, ha?”. Lumapit na rin kina Mariel at Shiela ang ibang miyembro ng MRICF o ang Mariel Rodriguez’ Inner Circle of Friends. Sinabi nina Cornelle at Janna, “Wow, naman Mariel. We can’t believe na magiging kayo pala ni Kenmark. Tingnan mo pa naman ang engagement ring, it’s so socially expensive!”.
Sagot ng dalaga,“Yeah, I can’t believe that he used all his earnings from his law practice to buy me this”. Nagpaalam si Shiela, sinasabing “Mari, alis muna ako, may aasikasuhin lang ako”. Pumayag si Maviel.
Lumalim ang gabi at painit pa lang ang party.Si Clarissa nagkitang magkaholding hands sa nobyong si Mundo de Gracia. Si Pernille Pinatagon-Lemonezo naman ay nakitang magholding chin sa asawang si Ren Lemonezo. Si Michael Ray Gervacio nga lang ang nag-iiba, kasama niya nung gabing iyon ang mapapangasawa niyang si Aimee Resurreccion na isang graduate sa St. Mary’s College sa Meycauayan imbes sa Saint James. Nagkita muli ang ngayo’y sikat na indie artist na si Rogie at ang kasabayan nung hayskul na si Zeke na ngayo’y executive na ng Ayala Real Estate Holdings.
Hindi naglaon, napapansin na ni Mariel na matagal na niyang hindi nakikita si Kenmark. Hinanap siya sa kung saan. Tinanong niya Si Denmark Lubao na kasintahan ni Lani R., si Rikko Del Espiritu na isa nang member ng isang sikat na dance troupe, at maging si Czaramara Maca-ajon na isang militante ngayon ng grupong Gabriela. Lumabas siya ng auditorium at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya si Kenmark, ang kanyang nobyo at malapit na maging asawa, at ang kanyang matalik na kaibigan, si Shiela, magkayakap at naghahalikan sa tabi ng balcony sa kabilang building ng eskwelahan. “KENMARK! SHIELA! What’s the meaning of all these?! Kenmark, ano..ito? And Shiela, how could you do this to me?!” Galit na tinanong ni Maviel ang dalawa. “Uhm, Mariel, let me explain all of this”. “No Kenmark, answer me this! We were on for six years, for goodness sake! Minahal kita at minahal mo ako! Ano ang pagkukulang ko!? At bakit ikaw, Shiela, kaibigan ko pa naman kita?!”. Takot na sagot ni Shielo ,“ I’m sorry Mari. It’s just that, noon pa mula nung bata pa tayo, may pagtitingin na ako kay Kenmark”. “She’s right, Mari, akala ko noon, six years ago, sure na ako sa desisyon kong maging tayo. But, I felt that something was missing. I felt that whenever you’re with me, I can’t feel the happiness I expect that I’d be getting from the one I love the most.. It was Shiela all along. Sorry if I was not loyal to you, but I tried my all not to let this happen pero nangyari ang nangyari”. Pakiusap naman ni Shiela, “Mariel, sana maintindihan mo ang sitwasyon naming dalawa. Wala kaming lakas na loob na sabihin sa iyo ito dahil mahal ka namin at ayaw ka naming makita kang nasasaktan, kaya aming itinago ang nararamdaman namin sa isa’t isa”.
Pero hindi nakinig si Mariel, “How could you do this to me?” Umalis si Mariel na luhaan. Hindi niya alam kung ano na ang mangyayari. Palabas na siya sa gate ng school nang may nakabangga sa kanya. Nagalit si Mariel at sumigaw sa bumangga sa kanya “Hey, watch where you’re going. Bulag ka ba?” Lumingon siya at nakita kung sino ang kinakausap niya. “Mariel, ako ito! Di mo ba ako natatandaan?”. Naalala nga ni Mariel ang mukhang iyon. Siya ang dating baguhan sa eskwela na huling pumasok at siya lamang ang tao sa silid-aralan kaya tinulungan siya ayusin ang mga gamit nito. Nakita ng lalaki na umiiyak si Mariel kaya dinala niya siya paakyat ng auditorium. Sinabi ni Mariel sa kanya ang sitwasyon niya habang nakaupo sa isang mesa. “You know, you can’t really tell what love can do to a person. Minsan, ito ang nagdadala sa iyo sa wagas na pag-ibig , kung minsan, hindi.” Sagot pa ni Mariel sa kanya, “Napaka-unfair na ganong concept. I never realized kung gaanong kumplekado ang umibig”. May naisip na suhestson ang lalaki, “Alam ko na, para naman makalimot mo si Kenmark, try moving on”. “Paano naman?” tanong niya.
“Heto, tutulungan kita”.
Mellow music naman ang tinutugtog ng DJ, kaya perfect ito para sa kanilang dalawa. Nagyakapan sila at nagsimulang sumayaw.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, magaan ang pakiramdam ni Mariel habang katabi siya, hindi niya ito maipaliwanag. Malamang ito raw, inisip niya, siguro ang ibig sabihin sa kanya ni Kenmark. Hindi naman niya alam na may pagtingin rin ang binatang kanyang kasayaw. Mula pa noong una silang nagkita ay may crush na siya sa dalaga. Ngayon lang niya na-realize na pagmamahal pala ang nararamdaman niya kay Mariel.
Habang lahat ng mga alumni ay sumasayaw nung gabing iyon sa kanilang high school reunion, ang tinugtugtog ngayon ay ang awiting“Sana Ay Ikaw Na Nga”.
WAKAS
*kung gusto niyo malaman kung sinu-sino sila, abangan ang original version