Hay, mabilis tumakbo ang isang linggo. Bukas, simula muli nang bagong term at papasok uli ako sa mas maagang oras. Imbes na alas dos y medya ang unang regular na pasok ko, alas onse a diyes na ang simula. Kainis naman, eh di ibig sabihin, mas maikli ang C-Break namin, grrr.... Well, Kolehiyo naman iyan, nagbabago. Ang nakakainis rin eh, inusod hanggang mag sampung minuto bago mag alas siete ang ang labas namin. Eh di pag-uwi ko, malamang mga alas otso o alas nueve ako makakarating ng bahay. Buti na lang, maaubutan ko pa LRT sa oras na iyon.
Nga pala, lapit na rin ang STAR Week sa susunod na linggo. Anong booth kaya ang ima-man ko, sa DebSoc o Mediamax? Siguro, ayusin ko ang linggo ko next week para pareho. Kailangan pa ba ng presentation ang bawat org? hiya ako kaya wag na lang.
Kamusta naman ang term break ninyo diyan, blockmates? Siguro na-enjoy niyo nag sa inyo kahit medyo maikli lang. Well, deserving naman kasi ang daming nangyari, alam niyo naman...finals, Natsca, finals, blah blah blah.
Well, halos pareho lang ang takbo nang bawat araw sa'kin.
Nung Wednesday, nanood ng TV, naglinis ng bahay konti, nag-Internet at nag-simula magreupload ng mga videos ko sa Youtube after dinisable non ang account ko. Kainis nga lang nawawala ang isang file ko, iyung Ejodo: La Semana Pasada. Iyun pa naman ang very memorable kong gawa kasi talagang ganda kahit slideshow movie lang siya na may kantang "Exodus 04" ang BGM. Oh well...
Thursday naman, kuhanan ng mga course cards. mabilis ko silang kinuha kaso nabagalan ako sa oras kasi ang tagal ng durasyon bago dumating ang susunod na teacher. Sina Sir Rafs nahuli sa oras, mga higit sa isang oras late ang isa habang si Sir Edz mga 2 oras kasi di kaagad makatakas mula sa opisina niya. Halatang buwisit siya sa mga reklamo sa kanya ng seksyon namin. tsk Tsk. Medyo 6:30 na ako nakauwi sa bahay. Sulit naman ang araw ko kasi kahit medyo mga alas onse o lapit sa hatinggabi ako nakatulog, puno naman kasi sumunod na araw walang pasok, kaya medyo mga seven na ako gumising.
Sumapit ang araw ng Friday, kumain ako ng almusal then nagsimulang magsalang ng lalabahin and then nanood ng TV (Princess Sarah, Love in Heaven, Eyeshield 21 at ISWAK). Nung araw ding iyon, napanood ko ang final episode ng fave kong telenovela na Inocente de Ti na nabaliw si Donya Rebecca't pinatay sa parehong paraan kung paano niya pinataya ang kakambal niyang si Donya Racquewl at si Julio Alberto at florecita ay nagpaklasal na sa wakas. Nagkaisa na ang mag-anak na Gonzales nang umamin na si Mrs. Smith sa tunay niyang pagkatao kahit dedots na si Mang Reuben, at tumino naman ang ditseng si Isela. Ah, enjoy na rin. Nung araw na ding iyon, nagdesisyon akong di ako tumuloy sa 4-day debate camp training namin sa Taguig (sa may The Fort) sa dahilan na kinailangan kong ayusin kaagad ang salamin ko matapos nag-expire at naisra ang mga contacts kong sinusuot. Nung panahaong iyon, ang salamin ko, isang lens (sa kaliwa) ang tanggal habang ang nagsnap ang contacts ko sa kanan. Nag-improvise ako, bale sinuot ko ang contacts ko sa kaliwang mata ko tapos sinuot ko kaagad ang salamin ko na may butas sa may kaliwa.
Nung Sabado naman, nag-father-son bonding kami nang dad ko sa SM Valenzuela. Pinaayos ko salamin ko tapos bumili kami ng grocery at ng mga kakagamitan pang-konstraksyon para sa bunso ko na may project sa TLE. Inupload ko muli ang mga ibang videos ko sa Youtube then nagsimula na ako sa paggawa ng bagong movie ko na Intrams Volume 3 para mabigyan ko nang conclusion ang Intrams 07 (kaso ang sounds, wala pa hehehe). Inupload ko rin iyon kaagad.
Dumating ang Sunday, uuwi na si Mommy galing Sweden (for a DOF-related purposes). Nakapagsimba muli ako kasi nung nkaraang linggo hindi kasi may pasok ako non pati ang isang sunday bago non. Naalala ko nung isang linggo, nilapitan kami ng choir sa parokya namin at iniimbitamkaming magkapatid na sumali sa choir nila kasi kami lang yung kumakatana nan malakas (Bakit kaya kami lang?).
Kahapon, Monday. Nagstay ng buong araw papa ko. Hinatid niya lang si mommy sa St. Luke's Hospital para sa isang EC (executive check-up). nakapag-laba ako at naglinis nang bahay habang si papa tulog maghapon. nung 2:30 gumising siya't nag-ayos then umalis na rin para isundo si Mommy. hehehe. napanood ko rin iyung pilot episode ng bagong show sa Channel 2, ang Zorro: La Espada y La Rosa. Umulan rin kaya di muna ako tumuloy sa paglaba hanggang sa ngayon.
Ngayon lang, nagsimula na ako sa paglalaba. May binabad si Kuya para ma sampay ko rin pagkagising ko. probelma, binabad rin ni kuya isang damit ni mommy na nagbleed. ang masama pa doon, ang mantsang naging resulta sa pagbleet nang damit, dumikit sa 2 polo ni Papa na puti pa naman,Yung isa grabeh habang isa maliit pero halata pa rin. Wala kaming magawa sa isang, kaya binabad namin sa tubignna may Tide. Ri nga namin nilagyan ng bleach sa takot baka madamay ang ibang kulay ng polo. Ako nga rin, may ginawang kasalanan. Bale, piniga ko muna iyung basang damit an dekolor at isinabay ko sa mga isasampay kong damit na dekolor rin, akong ang problema, nagbleed rin ito nng pinatong ko ito sa mga damit na dekolor na nasa isnag basket para aking iakyat patungo sa roofdeck nang bahay kung saan namin sinasampay ang mga damit namin. sayang naman. Ba't di na lang kasi bumili ng bleach na puwede sa mga de kolor!! By the way, nakapaglaba na rinako kaso, ung huli kong batche, di ko kaagd naisampay kasi sumbaya sa pagsama ng panahon. Umulan kaya di ako kaagad nakapagsamapy, kahit na ambon na lang nung mga 5:30. Nakapgluto na rin ako ng nilagang manok, nung isang gabi, adobong liver. Masarap ang kinalabasan kaya mmmm..... delicioso!
Kaya hayun, ganon ko ginastos ang aking unang term break bilang isang college student. Sana ibang experience naman next term break. Well, back to normal muli!! PEACE YO!
Tuesday, September 11, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment