Wednesday, November 14, 2007

Buhay Kolehiyo: J-Tips on What To Wear, What To Bring, What to do on rainy and cool days

    Dito sa college, ang mga kabataan ay binibigyan ng kalyaan na i-express ang kanilang mga sarili. Nagdadala sila ng mga kakailanganin nila, at ng mga isho-show off nila. Ngunit, limitado lamang ang kalayaan na ito sa ilang mga colleges kaya kailangan ng diskarte para maiplabas mo ang tunay na ikaw.

    Kahit hindi ka ang tipo na fashionista, maari rin na nagsusuot ka ng mga damit na masasabing uso tuwing panahon ng tag-ulan. Necessities na kailangan dalhin pero trendy pa rin. Ang mga susunod ay ang mga tipsko kung ano ang puede mong maisuot at mga dadalhin tuwing tag-lamig (este tag-ulan, sori!)!

  1. magdala ka palagi ng jacket, sweater o kahit anong pang-itaas na may makakapal at/o mahahaba ang manggas. Kahit hindi umuulan. bagay sa'yong isuot yan lalo na kung todo ang buga ng aircon sa klasrum niyo o di kaya kusang malamig talaga ang simoy ng hangin sa labas. Pagkakataon mo na rin to show your school spirit at bumili ng mga jacket na tatak school mo.
  2. Depende sa pinatatakbong dress code, maaring magsuot ka ng shortpants kung gutso mo. Uso na arin ang mga nagmumukhang mga checkered pants pero tandaan may good at plus points ito. Ang PLUS: hindi ito mamamantsa ng kahit anong putik na tatalsik sa binti mo. Ang MINUS: panindigan mo ang isinuot mo, malakas ang aircon, walang pambalot ang mga binti mo, exposed pa!
  3. Sa mga kalalakihan, panahon na para gumising sa katotohanang kailangan natin talaga ng payong. Kaya, why not buy "MANBRELLAS"? Mga payong na hindi mukhang gender biased at kasya pa sa bag mo. maliit lang ang inooccupy na psace kaya tiyak na di ka na maabutan ng ulan.
  4. Tandaan sa mga sipunin diyan na para maging ligtas ang araw mo mula sa kahiyahiyang mga siphon filter na iyan, magdala, di lamang ng panyo, pati na rin ng labakara at ng isang set ng tissue. Ang panyo puedeng i-wipe ang ilong kung tumutulo ang sipon mo. Ang face towel, nililinis ang mukha mo, di lamang ang ilong. Ang tissue ay ang naglilinis ng kalooban ng ilong at nagsisilbing tapunan ng mga kung anuman ang ine-eject mo mula sa ilong mo.
  5. Alamin kung kailan isusuot ang jacket. Hindi sa lahat ng pagkakataon at lugar ay maari mongisuot iyan. Puwede mo siyang tanggalin kung nakasakay ka sa jeep at nagsisikipan ang mga pasahero doon.
  6. Para uli sa mga sipunin, maghanap ng tsamba kung walang tao sa banyo (sa mga nahihiyang suminga), para walang makarinig sa ingay na dinudulot ng pagsinga mo. Kung ayaw mo ng wlaang tao, kailangan lang ng lakas ng loob paa ipakita sa mundo na ganun ka suminga.
  7. Kapag malamig ang panahon, iwasan siguro ang pagkokonsume ng mga malalmig para hindi ka pa lalo ma frost bite sa sobrang lamig. Kumain ng medyo warm at hot para na rin mapawisan ka na rin.
  8. Iwasan pumasok sa mga lugar kung saan malakas ang buga ng aircon maliban sa classroom mo, tulad ng library, school internet cafe (I NOOK, ComLabs).
  9. Kung pinapayagan kayong umalis ng school during C-Break, maghang-out muna sa condo ng klasmeyt para magpalipas ng oras doon.
  10. Anuman ang dalhin mo at ang suot mo sa school, i-flaunt mo na lang para isipin ng iba diyan na pauso ka...

No comments:

Post a Comment