Friday, December 21, 2007

Buhay Kolehiyo

    May isang dakilang guro ang nagbitiw sa katagang ito: "Kay bilis lumipas ang oras, paglingon mo lang, akalaing maraming oras na lumipas". Well, hindi iyon ang eksaktong sinabi niya pero kahit paano, nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. Sa totoo nga, hindi ako makapaniwala na wala na ako sa mundon kinagagalawan ko sa loob ng higit na apat na taon, ang mundo ng high school. Ngayon, ang ginagawalan ko na ngayon ay ang daigdig na kung tawagin ay KOLEHIYO.


    Mag-iisang taon halos mula nang grumadweyt ako sa high school at ngayon, pitong buwan na akong nag-aaral sa isang college sa Maynila, ang De La Salle-College of Saint Benilde. Hindi ko ninais na makapasok sa CSB kasi ang talagang target ko ay ang dream school ko, ang University of the Philippines sa Diliman. Pero dala na rin sa mga circumstances, di na ako tumuloy doon.

    Buti na lang may 2 pang pamantasan ang ipinasa ko: ang University of the East-Caloocan at ang University of Sto. Tomas. Okay sana ang 2 ngunit ayaw ng parents ko sa lokasyon ng UE caloocan kahit ito ang pinakamalapit na school sa'min, maging sa USTe dahil sa binabalitaang target ng mga snatcher ang area ng school, lalo pa't bahain iyon madalas. In the end, sa CSB na ako napadpad, whcich is really not that bad. Bakit?

    Una kasi sa lahat, ang napiling kong degree program ay malapit na rin kumbaga sa ninais kong kurso na Fine Arts, iyun nga lang, hindi lang traditional media (tama ba ang tawag ko doon?) kungdi iba't ibang uri't anyo ng media ang matutunan kong mahawakan. Iyon ay dahil ang course ko na AB-Multimedia Arts ay kumbaga, isang crossover ng Fine Arts, Film, Photography at Mass Communications, that sort of thing.

    Akala niyo naman madali lang mamuhay bilang isang college of student? It's not as easy once you're in it.

    Nung unang mga buwan ko sa CSB, grabe talaga! Nahirapan akong maadjust sa environment ng school kasi iba't ibang klase nang tao ang nakikita ko halos araw-araw. Iyung mga tipo ng mga estudyante na hindi mo makikita sa Saint James. Sa block section kung saan bahagi ako nung mga unang buwan ko palang, halata ang pagiging "rainbow class" namin. May mga ilan na galing sa mga prominenteng mga eskwelahan. Iba't ibang mga personalities, iba't iba ang paraan ng kinilakhan nila.

    At first okay kami pero habang tumatagal, kita na ang mga differences namin, culture-wise. May mga traits ang hindi ko nakasanayan nung high school pa ako, pati rin naman sila kung paano rin ako nagpapakita ng traits: Pananalita, pagkilos, pag-iisip. Kaya minsan may time na nakakaramdam ako ng aliention kasi hindi ako maka-relatesa mga pag-uusap nila. Pero overtime, friends na kaming lahat.

    Maayos naman ang academics ko as far as I'm concerned. Mga traditional subjects tulad ng economics, psychology, at political science ay mararanasan ko lamang sa loob ng ilang trimester kasi pagkatapos ay ang mga asignatura na may kinalaman sa kurso ko ang kukunin ko. May kalayaan naman kami na pumili ng mga subjects kung ninanais ko pero sinusundan ko na lang ang nakasulat sa flowcahrt na binigyan sa'min para wala nang problema.

    Love ko ang mga extra-curricular activties kaya nung first few weeks ng unang trimester, nagsign-up ako sa dalawang school organization o orgs: ang CSB Debate Society at ang Mediamax. Ang una ay isang debate club na kung saan sinasanay nila ang mga miyembro nila bilang mga magagaling na debaters, lumalahok pa nga sila sa mga labanan ng pagkikipagtalastasan. Ang huli naman ay isang org para sa'ming mga AB-MMA majors. Nais bigyan kami ng platform para ma-express ang creativty namin plus para maging handa sa upper years namin.

    Akala ko, mas astig ang maging member ng dalawang orgs pero nalaman ko ang kapalit. Kailangan ng mahigpit na debosyon para sa napili mong mga orgs, lalo pa't bahagi ako ng kagaya ng DebSoc (palayaw ng Debate Society). Hindi ko inaasahan ang mga ganito talaga. Sa madaling salita, hindi ko nakayanan ang pagsasanay maging ang aking oras na nakalaan para sa org. Lumisan ako na mabigat ang aking damdamin kasi hindi na-meet ang expectations ng mga kasamahan ko sa Debsoc. Natutunon ko na ang aking leksyon sa mahirap na paraan.

    Kung sa tingin niyo, hirap na hirap na kayo sa paggawa ng thesis para lang makapasa kayo ni Miss Flores sa Fundamentals of Research dagdag ang nakakatumal na projects na sabay sabay na binibgay sa inyo, mas lalo na sa'ming mga nasa college na! Isipin o talaga na kailangang matindi ang alam mo sa mga nireresearch mo, kailangan ang mahahalagang projects ang pangunahing prioridad mo, kahit gaano man iyon kahirap. Hindi puwedeng ipaurong ang petsa ng pasahan, pero masuwerte ka lang kung mabait at malinis ang budhi nang mga propesor niyo.

    May mga negative things nga lang na mukhang mas enticing pa para sa students. Sa palagay ko, mas feel pa nga iyon mga estudyante sa college higit pa sa pagbibigyan nila ng pansin ang mga studies nila. For once, puwede magyosi sa mga designated na lugar sa labas ng school (mga bahagi ng Taft Avenue, Pablo Ocampo St., at iba pang lugar na hindi nasa ilaim ng hurisdiksyon ng kolehiyo), hindi ka sinisita ng mga gwardya kung huli ka sa klase, maging kung absent ka. Kaya rin na magcutting classes ang ilan habang may iba na talagang sinasadya ang pagabsent. May iba nga talagang pupunta sa mga ba at bilyaran hanggang sa maabutan sila ng pagtilaok ng tandang.Hindi naman sinisita, hindi naman sila matutuwa kung ang magiging kinalabasang iyon ay magiging grade nila sa katapusan ng trimester. Talagang magseselos ako pero ayoko bigyan ng alangin ang pag-aaral ko, mas pinapahalagahan ko iyon kahit kung paglilibang ko ang kapalit.

    Alam ko kung ano ang gusto ko maging paglaki, kaya sinisikap ko kahit gaanong kahirap para lang makatapos ako ng tatlo't kalahating taon sa college. Nais kong maisakatuparan ang mga pangarap. Alam ko, college na ito, na mas malaya ako ngayon kaysa nung nasa high school pa lamang ako pero hindi ko sasayangin ang pagod at hirap ng mga magulang ko. Hindi ko naman sinasabi na todo hirap ang dadanasin ninyo sa college, mahirap ang college lang kung iniisip mong mahirap nga iyon. Enjoyin mo na lang kasi hindi araw-araw ay mananatili ka sa iisang lugar lamang.

                                                    WAKAS

No comments:

Post a Comment