Monday, May 4, 2009

The Summer Experience 2: After Two Years Part 1

^Pagudpud two years ago (The first one was taken from a Nikon Coolpix camera)

Buti na lang, ngayong taon ay na-push through na rin ang bihaye namin patungong Ilocos Norte. Last yearf, hindi kami natuloy dahil hindi available ang karamihan, kasama ako na nasa kalagitnaan ng summer class sa CSB.

Sa awa ng Diyos ay nakasama ako ngayong taon. Akala ko noon ay hindi ako makakasama nung nalamang sa mismong huling linggo ng finals ko gaganapin ang trip. Buti na lang inusod sa April 28, kaya sama rin ako!


Mabilis iyung biyahe mula sa amin sa Valenzuela hanggang sa La Union. Dagdag ginhawa ay nung nagamit na rin namin sa wakas iyung South Clark Toll Expressway (SCTX). Hindi na namin tuloy kinailangang dumaan pa sa mga bayan sa Tarlac gaya Capas at Luisita.

Nananghalian kami sa dati namin kinainan sa may Bauang, Pangasinan, ang Oasis.

Tumagal lang kami nung nasa badang La Union at Ilocos Sur kami. Sa kasamaang palad, ang daming mga roadblocks sa daan gaya ng mga road construction at mga checkpoint sa Ilocos Sur. Alas siyete higit ng gabi na kami nakarating sa D'Coral, isang beach resort sa Currimao, Ilocos Norte.

Nung sumunod na araw, ako, ang kapatid ko't pinsan ay sabay na naligo sa dalampasigan. Ang saya nga namin. High tide nung panahong iyon pero sinubukan ng magpinsang bunso na i-explpore ang lugar. Grabeh kung mag-emo si Jorge...Katapat pa sa dagat heheheh!

Sa nalabing bahagi ng araw, deretso tulog lang ako. Medyo gusto ko ring magrelax din kahit papaano sa pamamagitan ng pagsiesta. Kinagabihan, pumunta kami sa bahay ng kamag-anak namin para kumain ng hapunan. Sarap talaga kailanman ng pancit miki...Mmmmmm.

Kinabukasan ay umalis kami sa Currimao, papuntang Bangui na nasa hilaga pa. Naglunch kami sandali sa McDonald's Laoag bago dumiretso na kami papunta sa bayan.

Nung dumating kami doon sa harapan ng munisipyo ng Bangui, malaking gulat na nakita namin ang isang malaking tarpaulin ng isang certain na politico:

Hay...grabeh...

Moving on...

Pumunta kami sa tenant ng lupain namin. Nalaman ko two years ago na may pag-aari kaming mga lupaing bukid sa Ilocos. May kuwento daw noon na ang lupa ang katumbas noon sa pera kaya daw sinasangla ng mga tao noon ang mga lupa nila sa great lolo ko na si Lolo Kiko Sibucao. Sa huli, may mga iba na hindi nakapagbayad kaya napunta sa kanya iyung mga sinanglang lupa. Hehehe...

Kaso, karamihan sa angkan ng mga Sibucao ay nakabase na sa Malabon pero taun-taon ay may pumupuntang kamag-anak doon para kamustahin naman iyung mga tenant at makapagbayad rin ng buwis namin sa munisipyo ng Bangui.

Nilibre pa kami ng kapatid ng tenant ng sariwang mais. Sarap!

Tapos non ay tumuloy na kami pahilaga pa rin. This time, patungo na kami sa Pagudpud...



^Pagudpud two years after (The second was from a Nikon D40)




Durugtungan
...

2 comments:

  1. Kung nag push through yung trip natin nung 2008 kabilang din ako sa hindi makakasama kase may work pa ako during that time. =)

    ReplyDelete
  2. Oo nga eh. Di naging compatible sa oras natin iyung araw ng trip

    ReplyDelete