Nag-aaral na siya ngayon sa isang kolehiyo sa Maynila, halata sa unipormeng kanyang suot nung araw na iyon. Nagulat lang ako nung nalaman ko na naninigarilyo na rin pala si Taba eh nung bata pa kami ay panay "clean-living" ang motto niya, kahit mataba siya. Bumigay na rin siguro sa peer pressure dala sa kabigatang binigay sa kanya ng buhay-kolehiyo.
Si Taba rin, mangha rin sa pagbabagong nakikita niya sa'kin kahit pakiramdam ko na wala masyadong nabago sa'kin mula nang nilisan namin ang alma mater namin. Inanyaya niya akong manigarilyo rin pero hindi ko tinanggap ang alok niya dahil hindi naman ako naninigarilyo (lalo pa't masama sa kalusugan ko iyan). Okey naman siya pero siya iyung mukhang atat mag-usok.
Naglalakad kami sa daan nang itinanong niya sa'kin kung saang kolehiyo ako nag-aaral. Sinagot ko sa kanya kung saan at nagtanong uli kung may kakilala ba ako na tao na tatawagin natin siyang "Puti" dahil maputi ang kanyang balat.
Sinabi ko na "oo", dala nang pagiging magkaklase namin ni Puti. Humingi sa'kin ng pabor si Taba na kung maari ay hingan ko mula kay Puti ang numero niya sa cellphone. Nais niya kasi makausap ang iyung-pala'y matalik niyang kaibigan.
Matalik na kaibigan pala sila? Akalain ba naman?
Si Puti nakilala ko minsan nung unang taon ko sa nilipatan ko noon na eskuwelahan pero siya naman ay lumipat sa ibang paaralan nang di naglaon.
Hindi ako kaagad pumayag sa pabor niya lalo pa't hindi kami lubos na magkakilala at ganong kalapit na kaibigan ni Puti. At bukod doon baka hindi niya ako naaalala, nakakahiya naman na kausapin siya. Pero nagpumilit si Taba na pagbigyan ko ang hiling niya kaya pumayag na rin ako.
Nawala sa isip ko nga lang sa sumunod na araw ang pinapagawa sa'kin ni Taba ngunit noong nakaraang linggo ko naalala ang dapat ko gawin at nilapitan ko an rin si Puti nung meron kaming klase na panggabi.
Mabait pala itong si Puti, humble kahit mukhang maangas. Nalamn ko pa nga mula sa kanya na kaklase niya noon ang isa kong matalik na kaibigan nung grade school kaya may "common friends" kami. Nabanggit ko na rin sa kanya ang tungkol kay Taba at pinaliwanag an rin niya sa'kin na nagkita na rin pala silang dalawa ilang araw matapos ang huling pagkikita namin ni taba. Binanggit na rin daw ni Taba ang tungkol sa'kin kay Puti kaya medyo alam na rin pala niya na kakausapin ko siya.
How ironic, 'no? Nangyari na pero ang magandang dulot nito ay medyo lubos ko na rin nakikilala ng unti-unti sina Taba at Puti: ang kanilang pagiging matalik na kaibigan at iba pa.
Isipin na sa iisang lungsod naman sila nakatira, hindi kaya mas mainam kung sila mismo ang magkausap? Hahaha, eh di hindi na nahirapan pa'tong si Taba na magatubili na hingan pa ako ng pabor na kausapin si Puti.
Okey lang. :)
answeet kwento. kwento!
ReplyDeleteMiss ko na managalog!
ReplyDelete