Nakakainis talaga! Kagabi kasi may nangyari na talagang nagpataranta sa buong pamilya ko. Heto lang kasi ang dahilan, kapatid kong bunso umuwi nang dis oras na nang gabi, pinaalala pa niya kami at halos mahimatay sa takot!
Heto na, ilalahad ko. Kasi kahapon ng umaga, nagpaalam ang kapatid ko sa'min na hindi kaagad siya makakauwi ng bahay. Kasi daw, magpapraktis ng sayaw ang buong section niya (III-St. Pius) sa isang lugar sa Navotas. Pumayag naman kami.
Gabi na akong nakauwi at ang nasa bahay ay ang ate't kuya ko na kapwa walang pasok nung araw na iyon. Nalaman ko na hindi pa pala umuuwi iyung bunos namin kaya hindi muna namin inisip kasi mga alas sais ng gabi na iyon. Nasa bahay na rin ang mommy ko.
Magma-Maging Sino Ka Man na sa TV, wala pa rin sa bahay si bunso kaya doon na kami na-aalala. Inisipan kong tawagin ang ka-batch ko nung high school, si Erjam. Kapatid niya kasi, ka-seksyon ng kapatid ko kaya siya ang una kong tinawagan. Itinanong ko sa kanya kung may alam siya tungkol sa practice na kapatid niya.
Cut short to a few minutes later, nag-aalala na ang mommy ko at hanggang ngayon wala pa rin sa paningin namin ang bunso namin. Kung sinu-sino na ang tinatawagan ko ang pinagkuhanan ko nang mga phone numbers ay ang luma kong yearbook nung grade six. Ang mga tinawagan ko (kung naalala ko pa silang lahat) ay;
1. Erjam
2. Jeco
3. Mark
4. Vinni
5. Mhela
6. Catherine
7.Kung sino man ang mga taga-Navotas na ang numbers na nakasulat sa yearbook ay gumagana pa rin
8. Czar
9.Marami pang iba
Hindi naglaon, wala na kaming choice kungdi tawagin ang adviser ng Pius na si Mr. Macam. Ako naman, gamit ang landline phone namin, natawagan ko ang number na binigay ng dati kong teacher sa Chem (other than my other Chem teacher). Iyung binigay na number ay pag-aari ng kaklase ni Jorge. Nalaman na namin na 10:30 na sila nakatapos, late dumating ang choreo nila, hindi sila kaagad pinauwi ng choreo nila, walang dalang cell si Jorge at wala rin siyang mahiraman para tawagin kami, may kasabay siya sa pag-uwi na taga Obando, Bulacan (malapit kami sa border ng Bulacan).
Alas onse na, hindi pa rin ako nakakapaghugas ng pinagkainina sa hapunan sa sobrang pag-aalala. Nakauwi na rin at doon natapos ang isang gabi ng pagtataranta't pag-aalala.
Friday, February 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment