Saturday, February 16, 2008

INTENSYON: Ika-5 Kabanata, Takas at Iwas

    [Writer's Note: This entry is not meant to inflict any harm to anyone. This is based on true events so anything that you may find may be offensive. If you don't want to continue, don't read from this point on.]

    2 weeks before the end of the term, lumipat na ako sa bago kong plac eof residence, isang dorm na walking distance lang sa CS. Hindi ako makapaniwala na bibigyan ako ng mga magulang ko nang pagkakataon na ipatunayan sa kanila na kaya kong mabuhay na mag-isa. Ngunit lagi kong isinasaisip na kahit kung malayo ako sa gabay ng magulang ko, ang mga tinuro nila sa'kin ang laging mangingibabaw higit pa sa lahat.

    That time rin, nagpaplano si Sempai na magkaroon uli ng outbound trip, this time sa condo ng isa sa mga Vets. Guess kung saan: sa Serendra! Weghhh! Joke, hindi sa Serendra, pero dun sa isang condo tower somewhere sa Taguig. Posh ang lugar na iyon kaya mamahalin. Bakit kaya nais niyang magkaroon ng outbound sa isang lugar na gaya non?

    Plano niyang gawin ang tinatawag niyang "all-out boot camp" buong term break, bale one week of heck. "Come on guys, it's for your own good", iyun yata ang sinabi niya pero di sakto, basta something like that. Ang ibig niyang sabihin, dapat wala na kaming inhibitions whatsoever, at harapin kung ano ang dapat harapin.

    I, on the other hand, am still trying to find a way to get off the boat, pero now I have to deal on getting off from this one. Hay, naku! Depress na depress ako kaya di ko na kayang gawin ito for sure.

    One week before term break, finals namin. Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan ko sa org ang ipagkaktiwala ko na sabihin ang intensyon kong kumalas. Kaya ang pinaka-safe at trustworthy na taong nais kong ipaalam ay si Nicolesa, isang IS student (IS standsa for International Studies). Nagtataka siya sa'kin kung bakit balak kong kumalas, pero nung time na iyon, di ko masabi sa kanya ang dahilan ko. Basta, sinabi ko alng sa kanya ayayoko na't nahihirapan ako. Wala nang mas malalim pa diyan.

    Thursday ang confirmation sa mga sasama. Wala pang ayaw sumama, natatakot ako. Buti na lang ang isa kong kasama, si Licca, sure na hindi sasama kasi uuwi siya sa kanila. Sabi ni Carol, di puwedeng umalis nang walang matinong dahilan. Feeling ko kapag sinabi kong di ko nais sumama sa dahilang ayoko i-spend ang bakasyon ko diyan, mapapagalitan ako't masesermunan ng todo-todo. Di ko na alam ang gagawin ko.

    Nanghingi ako ng senyas sa Langit kung sasama ba ako o hindi. Sa kabuthinag palad, meron nga. Nasa school ako non, wala namang masyadong ginagawa. Then out of nowhere, nagpop-out palabas ang isang lens ng salamin ko. Di ko alam pero feeling ko iyun nga ang sign na hinihingi ko. Meron na akong excuse para di sumama tuloy. Ang saya-saya ko!

    Idinahilan ko iyon kay "Sir" Jairus. Alam kong malilintikan ako sa kanya pero iyon lamang ang kaya kong maibigay na alibi, ang sira kong salamin. Tinanggap niya ang plaiwanag ako at excuse na ako sa "camp of no return" ni Sempai. Yehey!

    But, I still ahve to worry on getting myself ut and it will only be a matter of time that I must tell them.

DURUGTUNGAN

No comments:

Post a Comment