So habang ala-una pa ng hapon ang sususnod kong klase, tambay muna ako dito sa SDA Caf sa 12th floor at mag blog muli.
Maaga ago gumising, mga 5:15 n.u. eh gising na ako kaso nakaset pa sa 5:30 ang alarm ko sa bumawi pa muna ng tulog. Kasi, kaninang alas dose y medya ng madaling araw na ako natulog dala sa pakikinig ko sa radyo at sa aking pagbabasa ng biography book tungkol kina Victoria Beckham at ang asawa niyang si David.
Paggising ko kanina, deretso kinuha ko na tulwaya ko, naligo sa banyo sa loob ng kinse minutos at bihisado na ng bandang alas sais.
Umalis na din ako para pumasok at 7:30 ay nasa school na rin. Deretso ako pumunta sa accounting office para mabayaran ko na iyung recollection fee para sa darating na recollection ko sa Huwebes.
Fast-forwarding, eh di iyon. Nasa classroom na ako, nandoon na rin ang mga kamag-aral ko. Lagpas alas nuwebe ang simula ng class pero hindi dumating si Prof. Pumasok na din doon ang mga wala noon nung unang araw ng Partdes. May isa na napagkamalan kong kaibigan ko sa States, si Anisah. Iyun pala, Pilipina rin rin siya pero nakabelo rin. Magkamukha talaga sila. :P
May isa pa na mukhaaang pamilyar sa'kin ang itsura. Medyo matangkad, maputi at makapal ang labi. May parang black-eye siya sa dalawang mata niya at mukhang tisoy. PInagmasdan ko muli mabuti at tama nga ang hinala ko.
Siya pala iyung dati kong ka-batchmate noong grade six. Matagal na rin sa school pero lumipat na rin ng eskwelahan nung high school. Nakikita ko siya madalas noon sa school kasama iyung mmga magkakabarkada, iyung mga tipong bullies pero hindi (may mga bullies sa school namin na nagsasakristan tuwing misa madalas).
Natural, mahihiya akong lumapit sa kanya at sabihin na "Excuse me, di ba pangalan mo si...Ka-batch ata kita sa SJA iyun nga lang grade six nung pumasok ako kaya di mo ako maalala...". So inisip ko na huwag na lang kasi hindi ko naman puwede ipagpilit sa tao na maalala man lang na magkaeskuwela kami noon.
Pero, kung sabagay naman, bukod pa sa magkaeskuwela kami ngayon sa CSB't magka-kurso, magkaklase pa kami sa isang section! Eh di ayos rin!
No comments:
Post a Comment