Friday, September 26, 2008

The CSB Experience 2: It's Been A Year...

Hay, mag-iisang taon na noong nangyari ang dapat mangyari. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang maalala iyon kahit nais ko naman talaga na kalimutan ko ang mga naging karanasan ko nung nandun pa ako sa bakod nila. Kung sabagay, hindi naman ako ang unang gumawa ng unang hakbang kahit intensyon kong gawin iyon, sila pa ang unang kumilos bago ko man lang iyon gawin. Oh 'di ba, kakaiba?

Yup, naalala ko pa rin isang taon na ang nakakaraan...

StAR Week nung time na iyon at nag-iisip pa ako ng org na puwede kong salihan. Siyempre ang una talaga na sinalihan ko ay ang Mediamax kung saan miyembro pa rin hanggang ngayon. Since hindi naman bawal na hindi sumali nang isa pang org, inisip ko na ring sumali sa iba pa na nasa lugar. Una kong nadatnan ang booth ng CSB Debsoc (Debate Society). Medyo curious ako sa totoo lang. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at inisip ko pang magsign up doon. Sa sobrang curiousity ko talagang lumapit ako sa booth nila.

Isa sa mga una kong nakausap na miyembro ay ang presidente nila na si Philip. CDA student ata siya sa pagkakaalala ko, mukhang nakakatakot at matalino, lalo pa't mukhang authoirty figure siya. Siyempre nag-inquire ako kung ano ang meron sa Debsoc: training, perks, at iba pa. Kumbinsido naman ako kahit kung medyo nano-nosebleed ako sa kanyang pang-iingles. Sinabi niya magkakaroon ng isang general assembly nang mga nagsign up at iyon ang point kung saan puwede kong saan puwede ko pa rin pagdesisyunan kung gusto kong maging miyembro ng organisasyon nila o hindi, may panahon pa.

Marahil, dahil bagong salta ako mula Hilaga (Basta taga-North, Sweet lover!) at walang kaalam-alam sa laro ng buha't sunud-sunuran, pakiramdam ko na kailangan kong pumunta doon. Binigyang dahilan ko sa sarili ko na makabubuti ito sa akin at siguradong hindi ko ito pagsisisihan. Kaya hayun nga, tumuloy ako sa GenAss nila at naging miyembro ng org nila.

Dami naman akong nakilala na mga bagong kaibigan doon, mapa-beterano man sila o baguhan. Sina Wilson, Nat, Che, Philip, Chicco, Maiko, Maika, Cala, Neri, etc. Sa mga beterano, ang pinaka-naging kaibigan ko ay si (Kuya) Nat [Sorry, tinuturing ko siya kasi talaga na nakakatandang kapatid kaya mataas ang respeto ko sa kanya].

Noong una, medyo nadadalian naman ako kahit papano nakukuha ko ang mga basics nang pagdedeba-te. Pero iyun nga lang, kailangang masanay kami sa maraming bagay. Halimbawa: Dapat, Ingles lang ang gagamitin naming wika sa tuwing nagdedebate kami/nagsasalita kahit hindi nagdedebate, maruno kang maging angas, dapat maalam ka sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa, marunong magtaray, ang pumunta sa bahay ng isa sa mga members-vets para lang magsanay maski gaano mang kalayo iyon at ang pinaka-ayoko sa lahat: ang mabulol.

Habang tumatagal, mas lalo nagiging madugo ang pagsasanay sa'min, ako naman medyo nakaka-develop na ako ng paghihina dala na sa dere-deretsong training, dagdag pa ang iba kong committments tulad ng pag-aaral at pagba-violin.

Nagkakaroon na rin ng conflict of schedule ang pagkakaroon ko ng violin lesson at ng traiing ko tuwing sumasapit ang Sabado. 

Sa sobrang pagbibigat ng mga kinakarga ko, napaisip-isip ko ang naging desisyon ko noon, tinanong ko ang sarili ko kung tama pa ba na ipagpatuloy ko pa ba ito. Hindi ko na kaya ang mga hinihingi nila, lalo pa na nalaman kong may limitasyon ako sa pananalita (pagbubulol/pagsastutter).

Breaking point ko na marahil ay ang nangyari isang fateful na Sabado. May crosstraining ang Debsoc sa debate org ng DLSU-M. Dami kong palpak sa pagdedebate, nakatanggap pa ako ng negatibong remarks mula sa isang beterano galing La Salle.

Doon ko na napagdesisyunan na aalis na ako.

Inilihim ko muna ang nais kong lisanin ang org at ang nakakaalam lang nito ay ang ilan kong malalapit na kaibigan sa org na baguhan. Nahihiya kasi ako kaagad na sabihin.

Iyun nga, dumating na ang time na kailangan sabihin ko na ang dapat kong sabihin. Kaya nung Saturday training day, pumasok ako ng school higit sa 1 oras nang late (galing ako kasi sa violin lesson ko sa Malabon). 

Pumunta muna ako sa Debsoc cube ng Student Involvement Unit para malaman ko kung saang room sila. Nandoon ang isa sa mga vets, iyung naka-salamin. Pumunta na ako sa isa sa mga classrooms sa 4th floor Mutien Marie Hall. Sa loob ng kuwarto may ilang members ng debsoc ng La Salle Greenhills (?) na nagko-cross train sa Debsoc.

Pagkapasok, malaking gulat ko na ang moderator ng Debsoc, si (Kuya) Jay [Huwag ko daw siyang i-"kuya" kasi nakakatanda daw sa pakiramdam ang pagtawag ko doon sa kanya, hihihi!] at si Phil nagtataka't tinanong ako na "Oh James! I thought you were quitting?]. Ganoon din si Che. Siguro ganoon ang tingin nila kasi hindi ako pumasok nung ilang training sessions dala ng paghahanda ko para sa ilang mga quizzes.

Sa tanong nila, medyo na-insulto ako konti kasi ilang araw lang naman ako hindi umattend ng training at iniisip nila na nilisan ko na ang org!  Hala, hindi naman ata puwede yan. Sinabi ko na lang sa kanila na hindi ako puwede umalis hangga't hindi ako mamaalam sa kanila ng maayos para kahit papano may pormalidad at direkta mula sa'kin ang nais kong pag-alis. Hindi alam nina Nat na umalis na ako kasi nasa kabilang kuwarto sila. Iniisip ko din na malaking gulat na rin sa kanya ang naging desisyon ko.

Hindi ko naman pinagsisihan ang pagtitiwalag ko sa org pero hindi ko rin naman pinagsisihan na sumali pa ako doon kasi kahit papaano naranasan ko rin naman ang pagiging debater-in-training kahit ilang saglit ibigan lang.

Lumuwag ang libreng oras ko at naging malaya na sa mga bagay na gusto kong gawin. Naayos ko na rin kahit papaano ang naging malabong relasyon ko samg blockmates ko dala sa mga oras na hindi ko sila nakilala nang mabuti (Pagkatapos nang nilisan ko ang Debsoc, doon ko lang nalaman na naging sila na pala nina Issi't Marlon).

 May magandang bagay din ang naidulot sa pagiging miymebro ko doon kasi nagkaroon pa ako ng mga kaibigan na nakikita ko pa rin naman mapa-hanggang ngayon.

Sa kasamaang palad, medyo nahihiya na rin ako sa mga beterano kasi bukod sa nirerespeto ko sila, alam ko na masama ang loob nila sa akin (kahit hindi halata sa mga mukha nila). Natatakot akong kumaway sa kanila tuwing nagkukrus ang mga landas namin.

Pero masaya ako na napanatili pa rin namin ni Nat ang pagkakaibigan namin.

Huling balita ko sa org ngayon, medyo nagkaroon ng konting hindi pagkakaunawaan sa ilang miyembro at karamihan na rin sa mga kasamahan ko ang umalis na rin sa doon.

Kahit ganoon ang naging kinalabasan ng aking pagiging miyembro ng org, hindi ko ito pinagsisihan. Sana lumago sila't maging matagumpay sa kanilangmga  mithiin!

No comments:

Post a Comment