Monday, April 16, 2007

6...1...2...3...4...SJAHS: Ang Ikaanim na Baitang


Kamakailan tumingin ako sa mga dating kong mga litrato na kinunan ko noong mula Freshamn ako hanggang sa huling solid na piture ko nung third year. mula third year onwards digital pictures na ang inaatupag ko kaya plano kong iprint ang mga kuha ko. Kasama na rin ang mga kha ko nung grade six na sa kasamaang palad ay nagsiwalaan at ang tanging nakita ko lamang self-taken photo ko ay ang kuha ko dati kay Maviel noong GS Intrams 03.

I. Ikaanim na Baitang

Naaalala ko pa ang unang araw ko sa Saint James Academy of Malabon, July 1, 2002 kasi napakadaling tandaan. Ito rin ang araw na nalamn ng buong student body (exaggeration na ito) na kuwela ako kasi mula noong na-late ako sa linya nung unang kong Recess (properly pronounced as rhee-sehs hindi rih-ses), hindi ko alam na ganon pala ang gawain. Ni walang tao nga ang puwede kong malapitan. Buti nga may taong taga 6-Saint John ang nagsabi na dumiretso na sa classroom ang seksyon ko.

Hindi nga ako makapgsalita ng deretsong Tagalog kasi isang taon akong nasanay na um-Ingles sa labas ng bahay kaya nung mga early days ko sa school, todo to the max ang pagkakabulol ko minsnan lalo na ang mga sasabihin ko sa Tagalog pero hindi naman iyon tumagal kasi nakapag-adjust na ako. Yung English ko, okay naman pero kasi nga hindi ko na nagagamit yung wikang iyon na as much as what I used to nung isang taon, na-supress ko konti yung natamo kong accent pereo napanitili ko yung pagsulat ng English na napakahaba at, ehem, makabuluhan.

Dami kong nakilalang ga bagong tao diyan sa Siant James, initially si Maviel iyung una kong nakilala kasi siya iyung huling tao noon sa classroom ng Mark nung time na malapit na mag-Flag cemerony. Tapos ang mga seatmates ko noon, si Vladimir, si Rob, si Shielo at Antonio. sa Kana ko si Potpot na palagi noong inaasar ni Piton kaya hindi ko mapigilang tumawa kasi natatawa ako sa antics ng dalawang ito.

Naranasan ko na muli mag-school uniform: polo shirt na may logo na patch sa left pocket ng polo, dark navy blue pants, sando, standard white socks at black leather shoes. At first, kailangan kong mag-adjust sa uniform ko kasi naiinitan ako at nasanay katawan ko na magsuot ng loose na damit lalo na ang time of the year noon ay painit palang sa America, gumagala sa July nang mula 60 degrees fahrenheit hanggang 72 at ang peak nang init ay mula 80 degree to 90 degrees Fahrenheit sa Agosto. Iyon malamng ang dahilan kung bakit pinagpapawisan ako madalas kapag umaga kahit wala pang nagagawang mabigat na gawain o kahit na hindi pa gaanong umiinit ang araw.

Then halos wala akong kakilalal sa Saint James except siympre sa mga pinsan ko sa GS at HS plus ang ga kapatid ko sa Grade 4 at HIgh School. Sa batch ko, si Louie a.k.a. Mary Louise Vito ang kilala ko sa buong Batch 07. Dun ko nga lang nalaman ang buong pangalan niya, eh. Hehehe, nakakatawa nga.

First time ko ring maging estudyante ng isang Catholic school kasi iyung mga nkaraang school ko, non-sectarian schools kasi sila. Iyung first ko, ang Saint Mary Montessori Center ay isang private school sa Valnzeula na may annex bulding sa Meycauayan. Ang second ko, Haycock Elmentary School, American public school iyon na member ng Fairfax County Schools kahit nasa teritoryo siya ng City of Falls Church. Ang Haycock ES rin ay bahagi ng school pyramid kung saan ang mga estudyante ay automatic lumilipat sa sa susunod na eskwelahan na mas mataas ang mga nilalamang baitang. Kung kapag graduate ka na ng Haycock ES, magmi-middle school ka na sa H.W. Longfellow Middle School para mag 7th and 8th Grade then deretso nasa McLean high School para tapusin ang 9th-12th Grades mo.

Ang nakakainis nga lang na ang stigma ngmga batchmembers ko mula pa sa elementary ay iyong mga presumptions nila. Kahit ilang beses ko na klinaro sa kanila ang lahat parang hindi nila pinainiwalaan at kung ang belief nila, iyun ang napapanindigan. Heto ilan sa kanila:
1. Galing ako mula sa States (Galing yes pero hindi ako taga-States, nagtsay ako doon ng isang taon kaya hindi bagay na sabihing galing ako mula sa States. "Galing sa..." okey na basta huwag nang idagdag ang mula)
2. Kailan raw akong nag-Tagalog (Hello!? Mother tongue ko kaya ang Tagalog, second ko lang ang English. Hindi ako laking States, isang taon't mahigit lang ako doon)
3. Bakit ka umuwi (hoy, ano gusto mo akong manataili doon kahit ma-eexpired ang tourist visa ko diyan ng ilang pang buwan? Ayoko nga, habulin pa ako ng Immigration at Hmeland security).

Heto ang mga tanong talaga na nakakairita na malapit na akong sumabog sa galit.

Ung Grade six nga, doon ko naranasan kung gaano ka-disunited-oriented ang mga batang Pinoy ngayon. Wala silang napagkakasunduan, personal na interes lang ang nasa isip at kalat ang kurakot (i.e. pangongopya at pagpayag ng kopyahin ang mga assignment ng kapwa kamag-aral). Dito pa langsa klasrum ko nakikita kung ano ang magiging kinalabasan paglabas namin. May president nga kami pero sino ang nakikinig, hindi ba wala. Kapag nagrorosaryo (kailangan ko ring mag-adjust para diyan kasi di ko alam ang mga dasal sa Tagalog at ang 5 days a week nilang pagrorosaryo), si Renz, salita ng salita na sinasamhan siya ng mga daldalaero't daldalera. Wala ang president namin kasi GS SCC-Execom siya (puwede pala noon ang double posts sa GS?).

Nungbgrade six, naransan ko ang:
1. Unang retreat -sa isang retreat house malapit sa Siena College of San Jose [del Monte] na naka-encounter kami ng White Lady.
2. First series ng mga kamalasan ko sa SJA-example: Hindi pagsipot ni Redan nung retreat namin kaya kailangan kong magshare ng room kina Rob at Von, si Karmelo na nagdura ng laway sa mukha ko direkta, hindi pagpasa ng project sa Reading kaya nagalit sa'kin si Ms. Buenaventura.
3.First series ng mga nakakahiyang moment ko sa school-1. Nagsuot ako ng school polo shirt sa sayaw namin ni Maviel kasi nakalimutan kong mag dala ng polo shirt (nakakahiya!)
4.First Confession since Holy Communion noong December 10, 1999-Hindi ko pa alam ang proseso ng confessio sa Saint James kaya ayoko pang isipin ang pangyayaring iyon.
5.Pagkakataong nakilahok sa isang Stage Performance-1.The Creation, 2. Mga Sayaw nung 1960's hanggang sa New Millenium
6.First SJA Field Trip-1.second to the last batch kami na pumunta sa Corregidor. Nain-love si Maviel sa isang Americanong turista na galing TX. Grabe ang pagmula noon ni Maviel kasi nahihiya kaya ako ang napili niyang sugo (mensahero) para sa turista na hindi na pala single kasi kasama nya ang girlfriend niya.
7.First Xmas Party sa SJA-Wala nga lang akong mga kakwentuhan kaya halos maiyak ako noon lalo pa't for 5 yearts straight, wala akong natanggap na personal Christmas gift sa kahit sinong ka-batch ko.
8.First Kalokohan sa SJA-nangilang-ilang tawag at text ako kay Maviel (amit ang dating cellphone number niya) at pinamukha kong ibang tao ako (5 years later umamin ako)
9.First time na mamasahe pauwi-Nakakahiya pero kinailangan ko nang matutong umuwi ng mag-isa kasi nagkakaroon na ako ng araw na late than usual ang labas ko. Doon o nadiscover ang wonders ng Financial management at mismanagement.
10.First time na nalamang kong inferior ang mga kakayahan at natural talents ko kumpara sa mga batchmates kong super talented sa kanilang kakayahan. (Hindi na ako muling sumayaw hanggangs a second year pero hindi ko na napgpatuloy; sa pagguhit pa lang alam kong 3 rate artist ako in contrast kina Von,. JB, CJ at Onang na talagang hasang hasa)
11.First time na nagsimula kong pagliitin ang sarili ko-Ewan ko kasi sa pagiging competitive among sa mga estudyante napapabilang na ako sa mga average na estudyante.
12. First time makaranas ng segregated classes-hiwalay ang mga lalake't babae sa PE at HELE
13.Paghanga ko sa Camera simula sa Corregidor trip at ng GS Intrams 03

Pero sa grade six, despite sa inferiority complex ko napatunayan k pa rin na angat pa rin ako kasi at least may isang bagay na wala ninuman ako makakaagaw mula sa akin. Buti na lang at nag-eexcel ako sa Araling Panlipunan. After years ng pagbabasa ko ng mga Social Studies books sa bahay namin mula Grade 1 hanggang sa 3rd Year Aralin, namemroize ko ang mga events kahit hindi man ekstakto. Mataas usually ang recitation grade ko at mga quizzes ko pagdatingsa Aralin. Pero dahil nga sa pagiging excelled student ko sa Aralin, ako palagi angagawang KODIGO ng mag ibang students. Kung bakit hindi na lang bashain ang mga lesons sa Aralin. Madali nga ang Aralin kumpara sa ibang subjects kaya bakit pa naman sila mahihirapan doon. At least doon, analamn kong hindi ako feeling inferior. Hndi sa nagmamamayabang ako pero doon ko nalamang na ang mga nakakayanan at hindi nakakayanan ng isang tao.

Writer's note: napapansin kong nababanggit ko si Maviel ng madalas. Maviel, sensya na...huge part ka ng first year ko sa SJA eh.















DURUGTUNGAN..........




No comments:

Post a Comment