Wednesday, October 10, 2007

INTENSYON: Ika-2 Kabanata, Training Day

[Writer's Note: This entry does not mean to inflict any harm to anyone. This is based on true events so anything that you may find may be offensive. If you don't want to continue, don't read any further now.]

    Lumipas ng ilang araw at lunes na muli. Ang pasok ko nung first term tuwing Monday ay 2:30 PM kaya pwede ako magpuyat the day before, hehehe. Nga pala, ala una n.h. ang oras ng training kaya habang maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay at dumiretso na sa CS.

    Once there, pumunta ako sa org booth ng Lipon sa OSPI o "Office of Student Participation and Involvement" para makipagkita sa mga tuturo sa'min ng basics ng debate. May mga seniors na nandon at tinuro sa'kin kung saang room gaganapin yung pagsasanay. Doon na ako dumiretso at pagpasok ko nandon na sila, kasama ang ilang mga Neodebaters.
   
    Among sa mga vets an nahandoon ay sina Rem, Rico, Sempai Manuel at si Ate Carol. First order of business? The basics...

    "Now, there are two standard formats that debaters often use, the British Parliament format and the Asian Par. Here in CS, we use the former. What's the difference between the two?....The British Par format is composed of two parts, Government and Opposition and subdivided further into two, Opening and Closing. Opening Gov is composed of the PM and the DPM while the Opening Opp is made up of a LO and DLO. For the closing half, each side has a member of the house and a whip...."

    Ahhgg, nose-bleed! Okay, nagtake-down notes ako sa mga pinagsusulat nila sa board. Then one of the vets gave us an example for example of a motion, hindi ko nga lang malala kung proposal iyon o assesment. Any way, they did something kung saan pagdedebatihan nila iyon.

    Nosebleed uli. Di ko akalain na ang piansukan kong gulo ay talagang mahirap, kahit simula pa lamang. Kung actual debate practice, hala kita na ang deficiencies ko, waaghh.

    By the way, nakilala ko iyung ilan sa mga kasama kong mga neodebaters. Nung first day, 2 lang ang nakilala ko, si Mikel at si Reeves. Later sa susunod na mga araw, na-meet ko naman si Mauritio a.k.a. Mao, Lara, Licca, Jomelyn, Jamille, Marco at Jyna.

    First speech ko, bale di pa formal debate actually kasi ilan lang kami ang pumunta that time. The motion given is all about globalization at ang epekto nito samlocal economy. Sorry, hindi ito saktong motion na bingay, sinasabi ko lang kung ano ang naalala ko. Anyway, turn ko na, may notes ako regarding my ideas at bago pa man natapos ang 7-minute time limit ay natapos na kaagad ako. May nakitang problema sa'kin si Sempai. He mentioned about me "stattering" o paulit-ulit ang sinasabi, at parang hinihika ako (sa totoo lang, nauubusan lang ako ng hinga kasi tuloy ak sa pagsasalita at nagko-code switch ako, siyempre nose-bleed eh kung tuloy ang pagiIngles mo). Si Lara, on her first speech parang kuha na niya pero parang nadidistract siya kasi may tumitingin sa kanya mula sa labas. By the way, Lara's a second year Diplomacy major.

     Kaya iyon tuloy, nataranta siya at di na natapos. Patapos na ang oras ng training  at may klase pa ako ng 2:30. Sabi na lang ni Sempai at ni Ate Carol, ay magpractice sa pananalita, which I did kaso di pa rin mawala ang pagkabulol ko at ang pagsta-statter.

Nose-bleed, pare. Todo na!

DURUGTUNGAN

No comments:

Post a Comment