Ngepers, ang corny naman ng title. Pero nakakatuwea rin kasi totoo naman.
Minsan nakakasabay mo ang mga taong hindi mo maasahan na makakasama mo sa pag-uwi, mga tao na kasama mo't kasabay paminsan minsan sa pag-uwi at kung minsan, kahit sa pagpasok mo ay nagkita kayong nakasakay sa parehong tren. Heto nga ang nangyari sa'kin mula pa nung naging regular rider ako ng LRT sa pagpasok ko sa school ko sa Taft.
Mula sa CSB, nakasabay ko sina Maan, Nicky, Lhiana, Justin, Gelli P, at Ace. Pinakamadalas ay kapag nakakasabay ko sa pag-uwi sina Lhiana at Ace kaso sa huling mga araw, malimit na. Malamang iba na kasi ang oras nila. Si Maan, rare rin habang one time lang ang kay Nicky. Sina Gelli't Jus ang latest na naksabay ko sa pag-uwi kasi sabay na kami nang dismissal. Pero madalas na nauuna na ako sa pag-uwi kaya di kami ganon masyado magkasabay all three. Sa mga blockmates ko naman (We are One, DV1), ang mga nakasabay ko sa pagskay ng LRT ay sina Reyn, Jiko, Joaqui at Kathryn. Si Jiko bumababa sa Pedro Gil, si Reynalei sa D. Jose, si Joaqui sa Carriedo habang si Kat ay sa Tayuman. Wawa nga ako kasi wala akong kasabay hanggang Monumento talaga.
Kung minsan nga, nagkikita kami ng ilang kong blockmates sa Vito Cruz Station ngunit sa ibang side sila umaaabang ng tren, pa-south. Madalas sina Gilbert and Carlo ang mga nakikita ko sa saide na iyon. There was a timer na marami kaming magkablockmates na sumakay na magkasabay para bumaba sa iisang estasyon at iyun ay nung time nang manonood kami ng laban ng La Salle at ADMU (second to the last). Sarap ng experience!
Sa mga galing La Salle, ang mga naksabay ko na sa pag-uwi ay sina Camille, Milet, Robert, Robin, Russel, and company. Hindi kami ganon ka-close kaya di ako masyadong nakakapagparamdam sa kanila. One time nung Wednesday, kasabay ko sina Russel. Actually, nakita ko na sila sa estasyon pa lang. Di na lang ako nagpahalata kasi antok na rin ako, gusto ko na umuwi kasi malayu-layo pa ang uuwian ko mula pa Monumento. Eventually, sa may UN ata o Pedro Gil, nakita ako ni Russel at pinaglalaru ako, tawag ng tawag na "Jaime" sa'kin pero nakiskaya na rin, kungwari kung ano lang ang naririnig ko. Hehehe. At least naman, pampagising naman sa'kin iyon kasi kulang na lang matulog ako sa loob ng tren na nakatayo't nakahawak pa sa safety handrail.
Mula naman sa ibang schools, nakasabay ko sa tren si Rose (Lyceum), si ??? (Mapua) at si Ken (Letran, 2x beses na rin). Funny story naman nung nagkita kami sa Central Station sina Louie at Martin. Actually nga nasa loob ako ng tren na tumigil sa station. Tapos may parang figurine na kumakaway sa'kin. Tumingin ako mabuti at sila pala iyon. hehehe. Nagpahintay pa nga sila nung nasa may Ever aako pagkababa mula Monumento. hehehehe
Sana na nga lang may talagang may kasabay ako sa pag-uwi kasi madalas mag-isa ako doon. Inggit nga ako sa mga maggroupies na kasabay ko madalas kasi tuwang tuwa sila at saya saya sa piling ng isa't isa pauwi. Hmmm,,, nangangarap na naman ang lonely diyan.
Friday, October 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment