Wednesday, October 10, 2007

INTENSYON: Unang Kabanata, Ang Panimula (Buhay Kolehiyo)

   [Writer's Note: This entry does not mean to inflict any harm to anyone. This is based on true events so anything that you may find may be offensive. If yoy don't want to continue, stop reading this entry right now]

    "Hi, how's debate?"
    "Ah, It's pretty okay"
    "Hindi ka ba nahihirapan sa pinaggagawa sa inyo ni Sempai?"
    "Medyo pero kakayanin ko"
    "Don't worry, lahat kami naranasan na rin namin iyan"
    "If you say so..."

    Kumusta! Ako nga pala si Luis Romulo Agostolo pero puwede niyo na lang akong tawagin sa palayaw ko na Louie. Isa akong freshman sa isang prestigous na college na nagngangalang Colegio Santiago. Kumukuha ako ng kursong Advertising kasi pinapangarap kong magtrabaho bilang tagagawa ng mga TV at Print ads na nakikita natin sa labas. Isa nga pala akong president ng block section namin nung nakaraang term kaya medyo hectic talaga kasi kailangang inaasikaso mo ang lahat ng mga pangangailangan concerning our section, kumbaga certifed workaholic ako.

    Marunong rin ako tumugtug ngnmga instrumento kaso nasa kalaitnaan pa rin ako ng pagsasanay.  Iyung tinutugtog kong instrument ay ang baritone, yung parang miniature version ng tuba na hindi bumabalot sa katawan mokundi't hinahawak na lang.

    Sa ngayon, masaya naman ang buhay ko dito sa kolehiyo. Daming kong mga naging kaibigan at dami kong natutunan sa streetlife ng mga kolehiyala sa loob at labas ng campus. minsan nga lang nadadala ako sa mga emosyon ko at tumatahak ako sa maling direksyon, minsan nga gumagawa ako ng mga decisions pero minamalas namang pangit ang naging resulta.

    Ang ikuwekuwento ko sa inyo ay ang pagkakataong may ginawa akong desisyon at pinandigan ko pero di na kinaya kaya nagkaroon akong ng intensyong bawiin iyon.

    Unang linggo ng Hunyo, second week pa lang ng school year. May happening sa school kung saan lahat ng mga student organizations ay nagset-up ng kani-kanilang  mga booths para makahakot ng mga bagong recruits. Ngayon, kasama ko ang mga kaklase ko na namasyal sa Plaza B, short for "Plaza Bora. Ngayon, meron isang org na exlcusive para sa aming mga under ng CFAD o College of Fine Arts and Design, eto ang MaxiMedia. Siyempre, nagsign up ako doon kasi gusto ko magundergo ng mga workshops nila para matutuo akong gumamit ng mga iba'tibnag software programs tulad ng Maya, Adobe Photoshop, Pagemaker, at iyung bagong version ng Windows Movie Maker.

    Gusto ko rin sana sumabak sa ibnag org kaso inisip ko na "hoy college na ako, di ko kailangang sumali sa ibang org. baka di ko to kayanin, kawawa naman ako!'. Iyun nga ang naisip ko. Pero di naglaon, nabago isip ko nung dumaan ako sa booth ng isang org na kung tawagin ay Lipon ng mga Debatista o "Lipon" for short. Meron naman kaming ganyan nung high school pa ako pero curious lang ako kung paao sila sumasabak sa debate kasi dati sa dating kong pinapasukan, passive ang mga activites ng debate club kaya halos walang pumapansin na meron pala kaming club na ganon.

    Balik sa kinekuwento ko, may isang member ng Lipon ang lumapit sa'kin. Tinanong niya sa'kin kung gusto ko bang sumali. Siyempre, ini-Ingles niya ako pero nagreply na lang sa Filipino kasi Pinoy naman tayo, di ba? Out of curousity...
"Ano ang ginagawa niyo sa Lipon?"
"Well, usually we train ourselves to become good debaters with the help of our veterans"
"Sumasali bako kayo sa mga tourneys?"
"Yeah, actually we do join on such. Every year, year we go to Dagupan for the National Debate Tournament, and we also sent representatives to participate on international debate events as well"
"Wow! Astig naman non! Automatic bang member na ako kapag pumirma na ako sa org nyo?"
"Not yet, we're going to have a general assembly and it is up for yo whether you want to attend or not. If you do, automatically you'll be a full-fledge member"
"Ah ok! So kailangan rin bang magbayad ng isang membership kagaya ng ibang orgs?"
"Not necessarily, we found a way how we will charhe new members"

Like that, nagsign-up na ako sa Lipon at nagabang na lang ako sa mga susunod na mangyayari kaya pagkalipas ng ilang araw, nagring ang cellphone ko. May nagtext sa'kin at ang basa niya:
"Hi neo-debaters, my name is Carol and I'm the president of Lipon. We're going to have our general assembly on the 3rd Friday of June, 1:00-2:30 PM on Rm..."

"Neodebaters?", kakaibang tawag sa mga neophytes na katulad ko pero okay lang. Ngayon, nasa akin ang desisyon kung pupunta pa ba ako sa GenAss nila o hindi kaso inencourage ako ng magulang ko tumuloy. Dala na rin sa curiosity  ko (dapat pala di ako tumitiwala sa kurosidad kong to, lintik!) ay tumuloy nga ako.

    Yup, umattend ako at dami mga 'neodebaters" ang pumunta rin. Sa harap, nandon iyung mga Veterans, senior members at alumni na bumubuhat sa pinaka-existence ng org.

    "Hi guys, my name is Carol. As you may already know...I'm the president of Lipon ng mga Debatista or simply Lipon. Let me introduce to you our other veterans..."

    Bukod si Ate Carol, yung iba nga ay yung mga sumusunod: Si Manuel Felipe Carillo, ang team captain ng Lipon pero marami ang tumatawag sa kanyang "Sempai"; si Remuel "Rem" Pacilio, ang pinakabata sa mga veterans, iisang taon pa lang siya pero nakasabak na siya mga debate tourneys sa iba't ibang lugar tulad ng Cebu, Dagupan, maging sa Kuala Lumpur; Francisco "Rico" Lucena isang vet na kapag nagsasalita, mabilis pero understandable pa rin; at si Jairus Magaspac, ang moderator slash coach ng Lipon, huwag mo lang siya i-"po" at "opo, lalo na ang pag-address sa kanya ng mga katawagan tulad ng "Sir", "Mang", o "Kuya" man kasi sabi niya, di pa siya ganon katanda; si Luisito Buan, graduate ng CS nung nakaraang taon pero isa sa mga pinakamagaling na debater ng org.

    Marami ring iba tulad ni Paya, Raspy, Raffy, at marami pang iba na di ko na alam ang mga pangalan nila.

    Mukha ngang exciting ang org na to pero heto talag iyung talagang seryoso na. "Guys, starting either this afternoon or next monday, we'll formally start debate training. If you want, you can schedule your days of availability. As much as possible, we encourage you to train thrice-to-four weekday. But saturday we'll be our hardcore training and we highly recommend you to go to CS so we can, as early as now, prep up for the National Debate Tournament this coming October, okay guys?"

    Nge...di pa nga nagsisimula, sasanayin na kami para sa tourney na'to sa Dagupan. Nose-bleed naman 'to oh. Well, wala naman akong magawa pero for now, nagset-up ako ng availability ko tuwing C-Break ng MWF kasi 3 hours higit ang lunchtime ko kaya iyon.

    Di ko aakalain na ito na ang simula sa isang bagong hamon sa buhay kolehiyo ko.

DURUGTUNGAN

No comments:

Post a Comment