Thursday, March 27, 2008

A J-Blog Files Anniversary Special: "WHAT?! PATI KAW?" (Special J-Blog Coverage)

    Flashes: March 24, 2007 9:54 AM. I posted an entry called "Just Before Graduation" for which I contemplated myself on the years that I was in SJA 24 hours before I graduated from high school.

    Nung nakaraang Wednesday, nagkaroon ng isang miting de avance sa may Plaza V para maipakilala sa CSB student body ang mga tatakbo sa kasalukuyang nangyayaring halalan para sa mga bakanteng posisyon ng Student Council. Bawat kandidato ipinakilalal nila ang sarili nila at ang kanilang adyenda't plataporma ng kanilang pangangampanya.

    May tatlong partido na kalahok sa halalan kung hindi ako nagkakamali. Ang isa ay ang League of United Students (ngayon lang pumasok sa isip ko, puwede pala sila makilala sa acronym na LUSt, hehehe joke...), isa naman ay ang BAKAS party (hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng BAKAS...hmmmm...) at ang ay isa ay independiente.

    Ang tatakbong SC president ay ang kasalukuyang incumbent na pangulo ng konseho na tumatakbo sa ilalim ng LUSt banner, si Jean Kim. Iyung independent naman ay kilala  ngayon bilang kandidatong nagsasagawa ng isang "silent campaign" sa pamamagitan ng pangangampanya sa Benildean online community, si Zach White. Ang tatakbo sa ilalim ng partidong BAKAS ay hindi ka alam ang pangalan, kaya mamaya ko itsetsek iyung list uli ng mga tatakbo.

    Bukod pa sa posisyon ng pangulo, ang iba pang open posisyons ay ang pagka-bise presidente ng iba't ibang mga kumite ng SC. Isa sa mga tatakbo doon ay isang kakilala ko na hindi ko muna babanggitin. Clue: Bahagi siya ng partido BAKAS (Check ko uli kung tama ako).

    Bukopd kay Zach, hindi ko pa alam kung ano ang mga platform ng ibang kandidato pero inaasahan ko na makikipag ugnayan na ang bagong SC sa susunod na taon para sa kapakanan ng mga interes ng mga estudyante. Heto siguro ang mga problema na dapat bigyan ng pansin sa susuond na taon:

1. Pagkakilanlan ng mga estudyante sa mga kinatawan nila sa itaas.
2. Mabilis na pagresponde sa mga pangangailangan ng mga estudyante (Better student response service).
3. Harmonious na  relasyon sa pagitan ng mga propesor at mag-aral.
4. Pamimigay ng handbook sa LAHAT ng mga mag-aaral at hindi piling pili.
5. Efficient at kapakipakinabang CSB intranet (with E-mail, message boards, and the like)
6. Paggamot sa student apathy mentality.
7. Actual student involvement not just outside of the school but inside.
8. Kooperasyon ng lahat ng mga student organziations sa CSB.
9. Maayos na enlistement/enrollment procedures (meaning mas maayos na SIS)
10. Mas improved na guidance para sa mga bagong batch nang mga froshes (not froshies but froshes).

Good luck sa mga tatakbo!

No comments:

Post a Comment