Tuesday, March 4, 2008

The CSB Experience: 90% Complete

    How time flies...Minsan, namamamasyal ako sa PEx nang may nabangga akong thread sa ilalim ng CSB Subforum. Nakasulat "CSB Entrance exam result". Grabe, nung tsinek ko iyon, iyung magiging 108 ang mga nagpopost. Naluha ako kasi mukhang matatapos na ang panahaon ng pamamalagi ko bilang frosh sa uanang taong pananatili ko dito sa CSB.

    Mula siguro sa pagiging isang "fresher" na halos walang kaalamalam sa mga dapat sundin at dapat umasta sa isang bagong kapaligiran, pakiramdam ko ang pagsasanay ko sa bawat araw at bawat buwan na nandito ako. Natuto akong tanggapin ang makakaibiang personalidad na itinataglay ng kapwa ko, ang mga gawi ng eskwelahan, at ang mga aktibidades na dumadaan palagi rito.

    Ayoko man aminin pero, ang unang taon ang masasabi kong pinakamasaya dahil sa mga mapapagdaan mo. Itinuturing ko rin itong "transistion" period kung saan ang lahat ng mga bagongsa lta tulad ko ay dumadaan sa isang period ng pag-addjust, upang aming maranasan ang kung paano mamuhay bilang isang Benildyano. Palilimot sa imaheng nakatatak sa iyo nung high school at pagbabagong bihis para sa buhay kolehiyo.

    Bago pa man matapos ang lahat, nais kong bigyang pasasalamat ang lahat ng mga tao na tumulong sa'kin tuwing ako'y nakadapa sa kabiguan at kasama tuwing ako'y nasa pinakamasaya.
















































---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Grabe, ang aga, ha? Nag-eemote ako dito!

No comments:

Post a Comment