Tuesday, April 1, 2008

A J-Blog Files Anniversary Special: "Boreche"

    "****** Boreche...****** Boreche!". Iyan ang palaging childhood panukso ko sa isang taong nakilala ko na noon pa, mula nang nagkamulat ako ay kilala ko na siya. Bahagi siya sa aking pagkabata habang ako ay bahagi ng kanya. Pero, taon ang lumipas, nagulat na lamang ako na ang isa sa mga kilalang kilala na tao sa buhay ko ay magiging isang...maagang ina. Ito ang kuwento ng kaibigan ko.

    Kababata ko siya at para mo an ring sinabi na pareho kaming lumaki sa tinirtirhan naming subdivision. Anak siya ng isang teacher na kilala sa pagdidisiplina sa nag-iisang anak niya. HIndi ko nakikita ang tatay niya at kung ito ba ay nagpaparamdam pa ba sa kanya pero ang tinuturing niyang ama ay si "Manong" ang matandang lalaki na mahilig mangyosi at nagmamay-ari ng isang lumang oner n dyip na pinaglalaruan ko noon.

    Habang nag-aaral ako sa isang non-sectarian school dati sa Valenzuela, siya naman ay nag-aral hanggang grade 2 sa isang Catholic school malapit sa may amin. Gulat na lamang ako pagdating ng grade 3 ay nasa iisang eskwelahan na kami.

    Nung mga bandang 10 taong gulang ako noon ay lumipat daw sa Novaliches ang kaibigan ko kasama ang nanay niya. Wala na akong masyadong narinig sa kanya lalo pa't nasa ibang bansa ako nung panahongn iyon.

    Nung bumalik kami, higit sa isang taon ang lumipas, nasa Novaliches pa rin siya nakatira. Pero ilang buwan lang pagkatapos, umuwi siya't walang binigyang paliwanag kung bakit siya pinabalik ng nanay niya. Itinuloy niya ang pag0aaral niya sa dati niyang pinapasukan. Nung panahong iyon, patuloy pa rin ang panunukso namin kahit hindi naman kami magkaeskwela, marahil kasi sanay na kaming manghirit.

    Hindi ko lubusang maisip na isang taong kagaya niya ang magkakaroon ng lakas ng loob na talagang gawin ang isang bagay na hindi mo maasahang magagawa niya: ang kumalas at mag-drop out sa eskwela (3rd yr siya non). Tinanong ko sa mga kaibigan nmin at sa mga taong nakakilala sa kanya kung bakit niya nagawang mag-DO. "Daming problema.." ang nakuha kong saot mula sa kanila.

    Alam ko na makulit siyang bata at medyo pasaway, akala ko hindi ito sapat para mawalan ng direksyon ang buhay niya. Iyun lang pala ang akala ko. Ang daming problema pala ang hinaharap niya na hindi niya nais sabihin sa iba, maging sa'kin. Guilty tuloy ako, kasi malamang kasama rin ako sa mga hinanakit niya. Bata pa lang kami, may tendency ang nanay niya na kung minsan ay kumparahin niya ang anak sa akin, palaging sinasabing "Ba't di ka maging kagaya nito...". Pressure ang nararamdaman siguro niya dahil sa expectations ng ina, pero hindi ko ito masasabi ng saktong sakto dahil malihim siyang tao sa totoo lang.

    Naging tambay na lamang siya sa subdivision, nag-iinuman session at nagaaway sa mga di niya ka-edad, mapabata man o mapa-matanda. Kung kumilos ay parang bata laki sa layaw at spoiled. Saan ba nagkamali ang butihin niyang ina para magkaganito siya?

    Lahat ito ay humantong sa pinakanakakagulat na pangyayari sa buhay ko: ang malaman na siya ay nagdadalangtao! Nung una kong narinig ang balita, hindi ako makapaniwala, alam kong hindi niya gagawin iyon. Alam ko na pala-away siya pero ang mabuntis sa di-oras? Daming nagugulo sa ulo ko. Malimit na ang pagkikita namin, hanggang batian na lamang kami sa mga nakaraang taon.

    Araw-araw, palaki na nang palaki ang tiyan niya dala sa batang nasa sinapupunan niya. Base sa mga ikinuwento sa'kin ng kapibahay namin. Talaga daw halos sukung suko na ang nanay niya sa kanya. Nagkaroon kasi daw sila ng malaking away at ang sinabi ng anak na 'HIndi mo ako anak!" o kahit anong pahayag na magdudulot talaga ng pagdurog sa puso ng isang ina.
  
     Naaawa ako sa kanya, bukod sa sinapit niya pero pati sa kasalukuyang kalagayan niya. Paano ba niya gaganapin ang magiging papel nya bilang ina kung siya ay lumaking hindi lubos na tinanggap ng buong puso ang kung anong meron sa kanya? Mga tanong na lumalaro sa isip ko. Hindi man ako dapat may kinalaman dito pero bilang kababata, nakakalungkot talaga sa isang kagaya ko na ang isang kababata niyang bata na matigas pero mahilig sa pagkikisama ay mapupunta sa ganoong klaseng kondisyon.

Kung sana lang may magagawa ako, kung sana lang...

No comments:

Post a Comment