Thursday, April 17, 2008

The CSB Experience: La Primera Semana Final

(April 13, 2008)

    Nakakainis kasi habang sinusuloat ko ito eh wala kaming connection sa DSL nor do we have a dial tone coming out from our phone! So Right now Im writing this piece on Microsoft Works Word Processor para lang may masulat lang ako.

 

    So ngayong linggo ay ang pinakahuli ko sa school year at excited ako talaga kasisiyempre mararanasan ko na ang pagiging Benildyano ko nang buo kung kukumpletuhin ko ang unang taon ko dito sa CSB. Oh, di ba ang saya?!

 

    First three days ay finals ko na sa lima kong subjects ng third term. 2 sa kanila sa AKIC ko gagawin, ang iba sa Main, 1 online test lang habang ang ibay sa papel ko sasagutan.

 

    From Thursday hanggang Sabado ay bigayan ng course cards at the next week ay bakasyon ko na. Iyun nga lang, maieenjoy ko lang ang kalahati ng bakasyon ko kasi may summer class ako sa BMAT-2x (Business Mathematics). Hindi ko siya tin-ake nung third term sa dahilang kailangan kong ulitin ang Algeb-x ko na prerequisite ng Bmat.

 

    Ngayon ko malalaman kung 1)Kung karapat dapat akong pumasa sa Algeb-x, 2)Kung magkakaroon pa ba uli ako ng R sa isang subject, 3)Kung may pag-asa pa ba akong maging DL sa unang taon ko man lang sa CSB, 4)May pag-asa pa ba akong maging student-athlete (na malalaman ko lamang sa darting na April 22. Ang mga sagot na ito ay malapiy nang masagot sa pagliaps nang aking unang huling lingo ng pagiging Frosh ko.

 

 


No comments:

Post a Comment