[Writer's Note: This entry is not meant to inflict any harm to anyone. This is based on true events so anything that you may find may be offensive. If you don't want to continue, don't read from this point on. Sori for the code-switching]
Hay salamat, sa pagkatagal-tagal na panahon, ang hinahanap kong butas palabas sa karayom ay nakita ko na sa wakas. Magiging malaya na ako sa aking gapos na kung tawagin ay "Lipon".
Iilan lamang sa mga kasamahan kong Neodebaters ang nakakaalam sa nais kong iwan na ang Lipon. Marami rin ang pinipilit na huwag koituloy ang balak ko. Sabi daw nila na magaling ako kaso hindi ko na rin kaya ang pressure at depression na nararamdaman ko. Hindi ko na rin kaya ibigay sqa Lipon ang full committment ko kaya talagang bumigay na ako sa bigat na nararamdaman ko.
Plano ko sa darating na Sabadong iyon (September 2007) ay ipagbibigay alam ko na kay (Sir) Jairus tungkol sa aking pagtitiwalag. Talagang inisip ko ito nang maigi until I finally reached a decision.
Dumating ako sa school, 2 hours late kasi may previous committment ako some place else. Nasa room ang mga representatives ng Academia Santa de Santiago, ang all-boys high school ng CS. Ignoring them, I saw Ate Carol and "Kuya" Jairus. GuLat ako kasi sila ang lumapit sa'kin, and they both asked me "I thought you were leaving?". Gulat ako sa spiel na iyon, sabay sabi at mukhang in-the-know nga sila.
Well...bumigay na din ako doon kaya sinabi "Gusto (po) ko na kasi umalis kasi nagkakaroon na ako ng time conflict sa iba kong committments sa school kaya wala na akong choice kungdi sabihin ko sa inyo na 'I want to leave the Lipon'. Sorry if I can't say it straight but I want to end things mutually and formally so that there'd be no bad blood between us". "Oh, okay? Well, you can leave now?". Not the kind of answer na gusto kong marinig mula sa kanila pero okay na rin. Humirit nga lang ako kung puwede at least manatili ako sandali just for the sake of leaving the Lipon formally with honor.
Nandun din sina Kuya Rem, Senpai, Rico, (Sir) Luisito, and most of the vets I see during Saturday training sessions as well as my fellow Neodebaters. Among the vets, ang talagang friend ko don ay si Kuya Rem kasi talagang approachable siya at di kagaya nina Ate Carol na ang layo abutin. Di ko ipinaalam sa kanya ang tuluyan kong paglisan kaya inisip siguro niya na hiatus lang ang fall out ko.
Since then, I try to forget that I was ever a member of the Lipon, trying to erase that memory by hiding all of my "Lipon memorabilia" some place in my room.
DURUGTUNGAN
Sunday, April 13, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
para lang sa di nakakaalam, this is fiction
ReplyDelete