Ilang araw na lang, pasukan na! Excited na ako sobra kung kaya habang maaga pa lang eh hinahanda ko na sarili ko.
Bumili ako ng bagong bag at bagong notebook. Ayoko na gamitin iyung luma kong bag kasi 1)magtu-two and a half years na siya at medyo nalalakihan ako sa bag na yon, at 2) Hirap linisin. Iyung baili ko namang notebok actually mga Cattleya fillers sila compiled in one book, one for every subject na kukunin ko. Hindi na ako bibili ng malaking notebook kasi kumakain siya sa space sa bag ko at maraming empty pages ang natitira afer one term so sayang talaga.
Pangalawang paghahanda: Paggugupit....Nung sabado nagpagupit na ako kahit nagbabadya ang bagyo. Bukod dun pinaahit ko na rin ung bigote ko...matagal-tagal na rin nung huling beses na inahit ko ito nung third year. Kagustuhan na rin ng mga taong nakapligid sa'kin sa school na iahit ko na ito so pinagbigyan ko na sila although hindi ko muna padadalasin ang pagaahit, na-iinsecure ata ako sa bigote ko eh...
Malapit na uli ang pasukan sa kitakits na lang!
Sunday, May 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment