Grabeh kahapon, nagkaroon ng sunog sa Wellcom Mall/Puregold somewhere sa Libertad, Pasay. Minalas na man na katabi nito ang estasyon ng LRT sa Libertad kaya sinara ang muna yon pati Taft station at Baclaran Station. Pansamantalang tumitigil ang mga south-bound na tren hanggang Gil Puyat.
Nasa Monumento Terminal na ako as early as 7:30 pero grabeh ang haba ng pila! Abopt hanggang KFC. Nakita ko sina Bernard at James T na mukhang sumakay na lang ng jeep papuntang Maynila sa kung saang school sila pumapasok.
Buti na lang gumagalaw ang linya ng mga tao kahit papaano pero ang problema ko ay nung nakahanap na ako ng mauupuan sa tren. Tagal lumayag kasi ung ibang mga tren stop and go dahil nga hanggang Buendia ang biyahe ng mga ito. Nagpatuloy ito sa isang mahabang 15 minutos kada estasyon. Nung nasa D. Jose na ako, inisip ko na malelate ako kung magpapatuloy ito sa inantay ko na makaabot ako sa Central Terminal para lumabas na rin at bumaba na mula doon.
Pagkalabas ng terminal, naglakad pa ako lagpas ng Liwasang Bonifacio (1st ko doon), Manila City Hall (1st time din), SM Manila (1st time rin) hanggang sa maabutan ko na ang Luneta.Doon nagabang na ako nang masasakayan. May bus na papuntang Alabang-Moonwalk so dun na ako sumakay.
Salamat at nakarating na rin ako doon kahit mga 15 minutes na akong late, at least may naabutan pa akong klase. As of last night may usok pa ring lumalabas sa Puregold.
Thursday, July 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Grabe talaga yun LRT, bwisit na miss ko tuloy first subject ko! >_< Kainis! Ginawa ko sa UN ako bumaba tsaka ko nag jeep, ayun mas nauna pa ko sa LRT!
ReplyDeleteoo nga daw. balita ko close to collapse na ung building na nasunugan
ReplyDelete