I got to do this fast before finals ehehehe.
Okay, nagmamadali akong magsulat ng mga blog entries ko bago pa amn ako magsimula sa parereview para sa darating na finals next week so heto na iyung lowdown.
Nakakatawa iyung nangyari sa'kin habang pauwi ako noon nung Huwebes. Last day na ng mga 2 TH classes ko, Cathwor at Philien. Suwerte pa't maaga na akong pinauwi after pinakita sa'kin ng prof ko sa Philien ang pre-Final grade ko, 88.
So yon, bumaba na ako, diresto sa may LRT gate ng CSB. Sabay akyat, labas stored-value ticket then nakasakay na rin kaagad sa tren.
Medyo masikip ang kinaroroonan ko dala na rin na maraming mga commuters sa oras na iyon ay pauwi na galing sa trabaho't eskuwela. Wala rin akong maupuan sa nakatayo lang ako't kamay ko ay nakahawak sa isang railing/hawakan. Para malibang sarili ko eh pinagmamasadan ko an lamang kung ano ang nasa labas ng bintana: mga gusali, sirang gusali, squatters, malls, at mga estasyon ng LRT.
Nung nagstop-over sa D. Jose iyung sinasakyan ko, e yon may nakita akong babaeng nakupo lang sa may isang pillar ng station, nagse-cellphone.May suot siyang Mapua PE t-shirt. Wala lang, gusto ko lang ipagmasdan. Pasara na rin angmga pinto ng tren so lumingon na ako sa pababalik sa kaharap kong bintana. Doon, biglang may nakita akong isang pamilyar na mukha..
Inisip ko muna kung sino iyon at nalaman ko na si Onang pala iyon. Sasakay na rin sana siya kaso sinaraduhan na ng pinto. Sayang! Naka-uniporme siya na pang CEU nung naabutan ko siyang pasakay na sana ng tren.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako sa Monumento terminal sa wakas. Lumabas ako mula sa katabi nitong mall, ang Ever Gotesco Grand Central (na bulok na). Pagkalabas ko eh pumunta na ako sa may pedestrian crossing lane. Habang nandoon ako may nakita rin akong isang taong napaka-pamilyar din ang itsura. Siyempre, dagdag na doon ang pagiging matangkad ng taong iyon ay iyung itsura niya ay diko matantsang matignan para at least malaman ko kung tama ang hinala ko.
Nakasuot siya ng pang-nurse na uniform at kulay itim na pantalon. Ang unang sumagi sa isip ko ay malamang si Karl ito. Mukhang tama nga hinala ko lalo pa't since sumakay siya sa isang jeep na papuntang Malabon/Navotas sa harap ng Araneta Square.
Bihira lang ang mga ganitong pagkakataon, at kung ako ay nakaharap sa ganitong sitwasyon siyempre matutuwa ako dahil matagal ko na sila hindi nakikita. Sino pa ang hindi masaya na nagkita ka ng isang tao na lubos mong kilala ng matagal na panahon?
WAKAS
No comments:
Post a Comment