SANGANDAAN...CAMANA at VA
Gusto namin i-share sa inyo
ang munting kuwento aming handog.
Tungkol sa sa'ming barkada
na mahilig umarangkada.
Daan dito, daan doon
Kahit saan ka man, naroroon.
Kami ay mga kabataan
Ineenjoy lamang ang pagiging bata
Ginabi mula sa pagkadapithapon,
kami ay nagtipun-tipon.
Ito ay para aming mapasyalan,
ang hilaga nang Kamaynilaan.
Nagsimula kami sa Divisoria,
Usad pagong dala ng trapik na 'di kaaya-aya.
Deretso bigla sa kalye Mabini,
lagpas patungo sa unang dadaanin.
Ang Caloocan na tigdadalawa,
isang dumi, isang tingkad.
Aming nadaan, simbahan ng San Roque
Maging ang Maypajo na katabi ay palengke.
Monumento tsaka namin pupuntahan
saka na lang, matapos ang lahat.
Umikot kami na desididong
Malabon ang susunod na aming ihahabol.
Pagbaba ng tulay, San Agustin ang aming binati.
Kung saan karamihan sa amin ay dito na lumaki
Aming nakita, ang Aleman na San Bartolome
Palagay namin, naggugudtaym ang mga paniki.
Liko sa kaliwa ay aming ginawa,
Kalye Gen. Luna ang aming tinahak.
Mula Concepcion ay lumiko sa kanan,
dumiretso bigla sa may abenida.
Doon sa daan, aming nakita
ang sikat na Nanays na pag-aari ng aming kaibigan.
Bukod doon ay ang dating palaisdaan,
na ngayon ay squatter na.
Francis Market ang aming abot,
alas nuwebe na ang basa ng orasan ko.
Liko kami sa kaliwa sa kalyeng mahaba.
M.H. Del Pilar, iyon ang pangalan ng daan.
Lagpas sa Maysilo, Santulan at Panghulo
Aming nadatnan ang isang higanteng arko.
Simbolo nang kasaysayan, hindi mawawala
'Yan ang palatandaan,
na kami'y nasa Valenzuela na.
Nung una akala namin ay kami'y nasa lalawigan
Mapuno, matahimik, iyon ang aming nakita.
Rebulto nang isang bayani ang aming nadaanan
may Mango Grill na tuwing gabi ay palaging bukas.
Pagdati sa Polo, malayo pa kami sa pinakadulo.
Tumawid patungong Mabolo, Pasolo at Coloong.
Pagdating sa Malanday, aming pinasya
na pagliko sa kanan, kami'y maghahanda.
'Lang gaanong sasakyan, 'lang gaanong sidecar
Kotse namin, tinodo bilis ang andar.
Kami ay napasigaw, sa sobrang tuwa at saya.
Sana lang ay hindi na to magwakas.
McArthur Highway ang aming dinaan,
Nilagpas ang San Miguel, maging South Supermarket
Kita namin ang SM pati na rin ang Fatima
Tullahan ay tinawid gamit ang tulay na bagong bukas lamang.
Hanggang sa dulo ng daan, hindi kami titigil.
Samahan ng barkada ay hindi mapipisil.
Lumipas man ang panahon, kami'y magkukrus ng landas
Tandaan lamang namin na kami ay nagsasangandaan.
WAKAS