Wednesday, February 18, 2009

Harang Bastos Gulo Bata

    Mahaba ang pasensya ko, kahit gaano man ako inaasar ay hindi naman ako ganong nagrereact hanggang sa overboard na ang mga pinaggagawan nilang kagag*han sa'kin. Pero nung Tuesday ng gabi, ibang kaso na iyon.

    Pauwi na ako mula sa eskwela habang naglalakad sa may harapan ng Araneta Square sa Caloocan. Bigla na lang may batang tambay (diyes anyos ang edad) na mukhang mababangga ko na sa harapan ko  kaya umiwas na ako sa direksyon niya kaso mukhang niloloko ako nang batang iyon. Akalain pa naman, sinasadya niyang mangharang nang dararaanin ng tao?

     Hanggang sa nanipis na ang pasensya ko, sinigawan ko na iyung bata't tinatanong kung ginagag* ba niya ako. Kung maari lang sana, eh kukurutin ko iyung tainga nang bata para matuto ng leksyon kaso hindi lang kasi bata naman eh.

    Nasa may kabilang banda na ako ng Samson Road kung saan ako tumawid. Bago man ako dumiretso patungo sa sakayan ng jeep sa may bandang McArthur Highway, tinignan ko iyung kabilang panig ng Samson kung nangugulo pa iyung lintek na batang iyon sa ibang mga commuters kaso mukha ngang ginagawa pa rin niya.

    Inisip ko na isumbong siya sa mga nakapatrolyang mamang pulis para matutunan ng leksyon ang batang iyon na walang modo sa wakas.

     Hmmm...Makikita ko pa kaya iyon?

No comments:

Post a Comment