Saturday, May 1, 2010

The CSB Experience 3: Sa Pagturo ay Naging Makapangyarihan

Kanina pag-uwi ko, wala siya. Bigla akong napaisip: Dahil wala siya ngayong gabi, mari kong tignan ang isa sa mga gamit niya sa kuwarto. Ewan ko ba pero pakiramdam ko kailangan kong makita ang gamit na iyon.

Isa lamang iyong litrato, hindi naman kalumaan pero tagal-tagal na rin nasa maliblib na lugar. Nakita ko ang lalagyan kung saan iyon matatagpuan at binuksan ko.

Bawat litrato ay aking inusisa: "Hindi ito", "hindi rin iyon" ang aking iniisip. Hanggang sa matagpuan ko na nga ang aking hinahanap, ako ay nabigha. Hindi ito ang inakalang kong litrato sa huling beses na ito'y aking nakita. Gaya ng aking binanggit ay hindi ito masyadong kalumaan pero hindi ko inakala na malaki ang naging pagbabago, o mas mabuting sabihin ay "pinagkaiba", sa kung ano ang itsura ng taong nasa litrato noon sa naging itsura niya ngayon.

Kagulat-gulat man,  mas nakakagulat nang aking binasa ang nakasulat sa tabi ng litrato, at ni isang salita na nabanggit dito ay malapit sa kung ano ang aking pagkilanlan sa kanya.

May ilang aspeto ng kanya naman ay totoo pa rin man ngayon, mayroong iba na hindi pumapantay sa kung ano siya ngayon. Marahil, sa kanyang naging bagong pagtahak, siya'y naging bagong nilalang.

Malayo muna ang naging pagbabago ng kanyang itsurang pangkalahatan nais ko pa ring isipin na siya pa rin ang taong nakilala ng mas nakararami, na siya ay kagaya namin noon.

Wakas

No comments:

Post a Comment