Ano nga ab ang mayroon sa Starbucks kung kaya't maraming naaliw na tumambay doon? Dahil ba sa napaka-accomdating nilang mga service crew? Sa serbisyo na madalas ay inaabuso ng mga customer? O di kaya kinikilala ito bilang isang status symbol para sa mga taong sosyal at piling sosyal.
Una kong naransana na mag-Starbucks nung 11 years pa lang ako at namamasyal ang pamilya ko sa grabe-sa-sobrang-lamig na New York nung December 2001. Naalala ko pa nga ang naging unang order ko doon: isang mocha frapp. At talaga namang iyun pa ang inorder ko kahit malamig ang panahon doon!
Di rin naglaon, dumating ang Starbucks sa Pilipinas at biglang naging isang popular a cafe-chain ito sa buong bansa. Since nung unang bisita ko sa Starbucks, iilan pa lang ang mga beses na talagang may binili ako doon. Kung hindi ako nagkakamali, first time kong bumili ng isang maiinom sa Starbucks-Tore Lorenzo sa may Taft nung first year college ako. Di nagtagal, nagorder naman ako nung isang beses sa Starbuck-Trinoma nang makakai't maiinom.
Labis kong di naiintindihan ang kulturang laganap sa mga Starbuck cafes na ito. Noong bumisita ang tiyahin ko galing San Francisco, CA kamakailan, dinalaw namin siya sa iba't ibang lugar sa Maynila. Minsan, nung ihahatid namin siya sa tutuluyan niyang bahay sa Cavite, naisipan namin na tumigil sa isang Starbucks branch malapit sa Coastal Road. Inisip ko nung panahon na iyon na masubukan ko minsan na bumili galing doon para aking maiintindihan ang kaguluhan dala ng banyagang mananakop na ito.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na gawin iyon nung kami ay namasyal sa Greenbelt sa Makati. Dahil sa sobrang init ng araw, inisip ko na bumili na inuming pampalamig sa isang Starbucks cafe sa malapit. Once na nasa loob ako, nag-order ako ng isang mocha frapp at isang sugar-coated na donut.
Tinanong ako ng cashier guy: "Here or to go?", ang sagot ko: "Uhm...Excuse me?". Kaniyang kinilaro: "Take out po sir?", aking sinagot ay "Ah, yes please.". Hiningi niya sa'kin ang aking pangalan. Binigay ko tapos sabi niya antayin ko ang order ko sa isang sulok. Hinintay ko nga tapos may tumawag sa aking pangalan, at kanyang sinasabi na hawak na niya ang aking order.
Ang saya ko dahil na-survive ko ang ka-sosyalan ng Starbucks. Iyun nga lang may kamahalan ang aking mga nabili pero buti dami kong dalang pera nung panahong iyon.
Isang linggo ang lumipas, inisip ko na bumili nang magiging pang-almusal ko habang ginagawa ko ang OJT ko sa isang opisina sa Makati. Buti may nadatnan akong Starbucks na malapit kaya doon ako dumiretso. At nung isang beses din ay bumili rin ako ng pagkain at inumin galing Starbucks sa isang mall. Sa dalawang kapihan ay ginamit ko ang vocabulary na uso doon at mukhang okay naman ang kinalabasan.
Pareho ay masyadong matakaw sa aking bulsa, iyon nga lang pero ayos lang dahil kahit papaano ay nasubukan ko na magStarbucks na walang alinlangan. Siguro kahit hindi na rin mawawala ang pagiging status symbol nito sa mga sosyal at pilit maging sosyal dito sa Pilipinas, hindi maikakaila na mayroong kakaiba ang establishment na ito na talagang nagpapahumaling sa bawat nilalang na dumadaan dito.
No comments:
Post a Comment