Nung Lunes, nakita ko si Jane na nakalog-on sa internet sa loob ng klasrum (10-minute interval, yahoo CSB!). Kasama niya sina Pax, Inna, Aje and co. at mukhang seryoso ang anuman ang nababasa nila sascreen.
I took a sneak peak at what they're looking at at actually, binabasa nila iyung listahan ng mga courses sa La Salle Main. Nasa may section sila ng College of Liberal Art at kinilik iyung text na "Communication Arts". Gulat sila sa listahan ng mga majors sa ComArts. Narinig ko pa nga si Pax na gusto na niya lumipat, ganon rin si Aje. INterested rin si Jane.
Coincidentally, ilang araw rin ang nakakaraan, sabi ni inna na may balak siyang magtransfer from CSB to Ateneo. Nagtanong iyung mga friends niya bakit. Hindi ko na lang inalam pero right now, meron siayng application form sa pagkakaalam ko.
Ano ba naman ito, is thge dark days of CSB returning?
Ako rin, at first di ko rin naman nagustuhan na hindi sa schoolna gusto ko ang mapapasukan ko. Kaya nga di ba nasabi ko na ang pinapangarap ko talagang pasukan ay ang UP lalo pa't dream course ko ang Fine Arts. Pero dahil di ako nakapasa sa quota at dahil na rin sa iba ring mga factors, sa Benilde na ako napunta. Actually, okay naman ang pagiging AB-MMA major ko eh (Sa tingin di tama ang tawagin ang sarili ko na MMA major kung di ko pa natatackle ang majors ko later pa). Sorry sa sulat ko, nagiging konyo ang sulat eh.
Pero kahit naiiggit ako na mas maganda ang itsura ng Main sa loob, marami sikat ang nag-aaral (Nabanggit ko ba na ka-floor ko si Serena Dalrymple?), hindi lang tatlo ang caf, at may green soccer field pa; di ko inisip na magtransfer o magshift man ng kurso.
Now, rewind to June 2007. Nagkekuwentuhan noon iyung ilan sa mga blockmates ng DV1. Sabi ng isa na hindi talaga first choice ang CSB kungdi La Salle. Napunta lang siya sa CSb nung di siya nakapasa. Grabeh talaga. Well, ako rin naman, di pasado sa entrance exam ng La Salle, at sa CSB na lang.
Kahapon nga, sabi ng isa kong blocmmate na,"mawawala na ang DV1". Although, in fact, madiidssolve ang section pagdating ng third term, ang big niyang sabihin ay mawawala na iyunug mga naging DV1 dahil lilipat na (o may balak) na umalils ng CSB.
Sa totoo nga lang, mahirap ang magtransfer ng school, let alone shifting to another course. Nung nagapply ako sa La Salle, ang first choice ko ComArts kasi ito ang pinakaclosest sa either Fine Arts, Advertising, o MassCom man. Di ko na maalala iyung second choice ko pero sa kasamaang palad nga at di ako nakapasa.
Sayang rin naman ang mga endeavors ng section kung di kami magkikita-kita bilang magkacourse o kaeskwela sa CSB kung isa man sa amin ang lilisan at lilipat sa ibang kolehiyo. Huwag naman sana ganon. Bukod pa nga sa mahirap, mahal pa ang lumipat. Sayang ang oras na andon ko, lalo pa't kung di ka masaya sa tinahakan mong kurso, kawawa ka naman. So sana naman, inatct pa rin kaming mga taga-DV1 kasi walang section ang katulad sa'min dahil WE ARE ONE DV1 (Ngee..)
Sana huwag na lang no?
Wednesday, October 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
WE ARE ONE DV1 ..wehh.lol.
ReplyDelete