Ok, I'm goinh to try my best on inserting the important parts of the novel, ung simula. gitna, at wakas...
1. Simula
a. Tagpuan-Ang nobela ay naka-set sa barrio ng Maruhat sa isang hindi makatotohanang lalawigan at nangrai ang lahat noong Mayo 21, 1955. Karaniwan na ang ganitong uri na tagpuang lugar sa mga nobela ng may-akda dahil sa pamilyaridad niya sa kanyang kapaligiran (Sa kabuuan halos ng vbuhay niya ay nakatira siya sa Nueva Ecija). Ang tagpuang oras ang nakakapagbigay sa atin ng palagay kung paano mamuhay ang mga tao sa panahong iyon lalo na ang taong binanggit ay isang totoong election year. Nung 1955 ginanap ang halalang lehislatibo at lokal.
b. Suliranin-1)May pagtingin si Lino kay Ms Sanchez kaso dahil sa kanyang kamngmangan, hindi niya pinilit na pursigihin ipaalam sa binibini ang kanyang mga nararamdaman.
2)Magsisimula na ang panahon ng pangangampanya at hinikayat ni Benigno "Benog" Sityar si Lino na maging bodyguard niya dahil malakas daw siya sa kanyang ama.
2. Gitna
a. Saglit na kaligayahan-Masaya si Lino sa mga magagandang nangyayari sa buhay niya: Kanya na ang sinasakahang lupa mula kay Pari Amando, dinalaw siya ng anak niya na matagal na niyang hindi nakita, at nalaman niyang may gusto rin sa kanya si Miss Sanchez.
b. Katunggalian-Nang tinanggi ni Lino ang alok na binigay sa kanya ni Benog na tumatakbong gobernador sa lalawigan nila, siya ay pinapapatay.
c. Kasukdulan-Napatay ang si Bidong na naging biktima sa pamumulitika. Si Ms Sanchez naman ay nagkasakit sa baga at puso.
3. Wakas
a.Pina-aral na ni Padre Amando si Ernesto sa isang eskwelahan sa Maynila habang nawawala si Didang na napagod na kahahantay niyan kay Lino.
b. Napagalaman nilino na may nangyaring masama kay Ms Sanchez. nagkita muli sila at sinabi na nila na mahal nila ang isa't isa.
c.Alas otso ng gabi ng nabawian na ng buhay si Ms Sanchez.
Tuesday, March 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
up
ReplyDelete