Monday, November 24, 2008

Dalampasigan...Bow!

DALAMPASIGAN
ni James Habitan


Munting dalampasigan,
ika’y aking kaibigang turing.
Nariyan ka lamang,
tuwing ako’y naghihinagpis.

‘Di nagsasawang
makinig sa mga problema ko,
Ikaw lamang ang
nakakaintindi sa’king sitwasyon.

Gumagaan ang aking kalooban,
sa bawat agos ng iyong alon.
Aking nadadarama
ang katahimikang iyong dulot.

Kahit sa kaunting panahon
na nakalaan lamang sa’tin,
Lagi mo’kong hinihintay
sa aking muling pagbalik.

No comments:

Post a Comment