Sunday, November 2, 2008

They Kiss(ed) Again for the last time

Medyo napaiyak ako nung napanood ko ang final episode ng sinubaybayan kong Taiwanese drama series na “They Kiss Again”. Bittersweet ang ending kasi kaya naiinis ako na ganoon ang magiging kapatpusan ng lovestory ng dalawang bida.

                  Second season ito ng “It Started With a Kiss” na binase naman sa isang sikat na manga na inadapt rin sa paggawa ng isang anime at ng isang J-Drama noong Dekada Nobenta (Itazura na Kiss).

                  Sa unang season, ang kuwento doon ay tungkol sa isang high school girl na may crush sa genius na popular boy ng eskuwela. Gumawa siya ng love letter pero binasted lang siya nito. Ngayon, bagtong lipat ang babae sa isang bahay kasama ang tatay niya. Pero sa unang gabi pa lang, gumiba na ito matapos nagkaroon nang mahinang lindol sa lugar nila.

                  Walang mauuwian ang mag-ama kaya inimbita sila ng matalik na kabigan ng tatay na manirahan pansamantala sa bahay niya at nang pamilya niya. Nagkataon na ang kaibigan ng tatay niya ay ang ama ng crush niya. Naging sila sa katapusan at tinuldok ang first season sa kanilang pagkakasal. Sa second season, nagsimula naman sa pagha-honeymoon ng bagong mag-asawa at ang buhay nila matapos magpakasal.

                  Ang lalake nagdesisyung magdoktor habang ang babae ay nagsanay na maging nars. Maraming mga bagay ang nagpasubok sa katibayan ng kanilang relasyon pero nangibabaw pa rin ang pag-ibig nila sa isa’t isa kahit kung sobra sa iba ang kanilang mga pagkatao (Henyo ang lalaki=tanga naman nang babae). Lumipas ng ilang taon, biglang nagbago itsura nang nakbabatang kapatid ng lalaki (sa unang kalahati, panget na chubby boy na nagsisimula pa lang magbinata ay naging payatot na nakasalamin na henyo sa katapusan).

                  Nalaman sa huli na may nakamamanang sakit ang babae na maaring ikamatay niya’t ikabulag kung sakali magkaroon na siya nang anak ng kanyang asawa. Labis na natakot ang babe dahil ayaw niyang mamatay na mag-isa’t nalulungkot na di kapiling ang mga mahal niya sa buhay. Pero inalalayan siya ng asawa niya’t sinisiguro na magiging okay ang lahat. Kung magkaka-anak man sila, aalagaan ng asawa’t mamahlin ng lubos ang anak nila, dagdag na rin na ikukuwento niya kung gaano kabait ng kanyang ina.

                  Natapos ang palabas nang magpapatingin sa doktor ang babae kasama ang asawa niya. May dala siyang camcorder para maalala siya nang magiging anak nila.

                  Nalulungkot ako sa naging ending nito kasi hindi definite kumabaga ang naging intended na ending ng mga gumawa. Marahil dala na rin ito sa hindi pagtapos ng pinagbasehang manga sa dahilang namatay ang ang awtor nito na hindi pa tapos ang manga.

Tinuring ko na lang itong “bittersweet ending” kasi kahit kung mayroong nakakamamatay na sakit ang babae, nanatili pa rin siyang matatag at makikita rin na nagmamahalan pa rin sila ng kanyang asawa hanggang sa pinaka-katapusan ng kanilang kuwento.

PInakita rin sa last episode ang mga eksena kung kalian sila nagkahalikan mula noong aksidenteng nahalikan ng babae ang crush niya noon habang tinutulungan siya sa kanilang pagsusulit hanggang sa halikan nila bilang mag-asawa.

2 comments: