Thursday, February 19, 2009

Aspirations

        Naiinis ako minsan sa sarili ko. Ewan ko ba, siguro kasi minamaliit ko masyado ang mga kakayahan ko na sa puntong hindi ko na-realize na mayroon pala akong mga ganon.

      Ang dami kong aspirations sa buhay, at kung minsan, nangangarap rin ako na maging kagaya ng mga kakilala kong may espesyal na talento, maging ang mga kinatatayuan nila sa buhay, karerang pinanhahawakan nila at estado ng buhay nila sa ibang aspeto.

       Tawagan mo akong envious pero personal trait ko na 'ata iyon at hindi na mawawala iyon sa'kin. Binulag ako ng inggit sa mga tunay kong kakayahan at pinagsisihan ko iyon. Ang baba tuloy nang pagtingin ko sa sarili ko.

      Sinisikap ko naman na hindi isipin kung ano ang meron sila kasi nasa kanila iyon eh, hindi kailanman mapupunta sa'kin. Nais ko man abutin ang mga minimithi ko, kailangang paghirapan ko iyon, hindi aasa't aantay laang ng milagro na parang instant pot money na basta-basta lang sumusulpot kung saan-saan lang.

     Hawak ko ang buhay ko, hawak ko ang kapalaran ko. kontrolado ko kung ano ang nakalaan para sa'kin kaya sisikapin ko talaga na matupad ang mga aspirasyon ko.

4 comments:

  1. yo, minsan lang ha? Bored ako eh :))

    ReplyDelete
  2. Wow bored.. Parang ang dali ng buhay mo ah. XD

    ReplyDelete
  3. 2 days of no school makes you do very boring things like nap, netsurf, nap, nood tv, nap, the list goes on...

    ReplyDelete