Friday, March 13, 2009

Jeepney Entertainment!

        May nakita ako kagabi na magkasintahan. Ang si-sweet nilang tignan, halatang mahal nila ang isa't isa. Nasa may jeep ako na nagaangkas pa ng mga pasahero so habang nangyayari yon, nood muna ako ng drama unfolding sa harapan ko.

       Iyun nga, may dumating na bus. Akala ko sabay na sila sasakay pero mukhang iyung girl lang ang papasok sa loob. Bago sila maghiwalay ng landas, nagyakapan sila't naghalikan as if hindi na babalik ang isa sa kanila.

       Umalis na iyung bus. Akala ko hanggan dun lang pero mukhang may continuing drama na nangyayari sa part ng guy. Sasakay na rin siya sa jeep kung nasaan ako nakasakay. Bago siya pumasok, kinakamot niya mga mata niya na mukhang may nagtutulong mga luha.

Umiiyak siya.

        May hawak pa siyang pink na rosas na baliktad ang paraan niya ng paghawak: nakatalikod iyung bulaklak mismo habang nasa harap iyung stem ng halaman. Sumisinghot pa siya, kaya tingin ko tumutulo rin ng luha palabas ng ilong niya kaya pinipigilan niya to.

     Eh bored ako kaya magandang entertainment ang manood ng real-life soap opera na nangyayari ngayon dito sa loob ng jeep.

      Singhot dito, singhot doon. May hawak siyang cellphone, mukhang may tinetext siya. Malamang girlfriend niya yon. Iniisip ko na ganito iyung eksena:

BF: "LUV, HOW N U? MIS N KTA...<3"
GF: "OK NMAN, KL2XKO LNG S ME 3NOMA. MIS U N RN XOXO"
BF: "PKIRAMDM KO PRANG MXADONG LONG TYO DI MAGKITAKITS
GF: "LUV, K2XYANIN NATIN 2...2 WIX NAMAN ME SA ANTIPOLO"
BF: "TAKOT ME. BKA DI ME MABUHAY NA WALA U :("
GF: "LUV, MAHAL U B ME?"
BF: "OO, WID ALL MY <3"
GF: "DEN TRUST ME IN DIS. PARA SA BEBE NATIN SUMDAY"
BF: "TAMA K. PRA SA BEBE, ANTAYN KTA U. I LUV U!"
GF: "LUV U 2 WID MY <3 AND SOL"

    Bago tumawid ng Tullahan Bridge, bumaba na iyung guy na mukhang hindi na umiiyak pero malungkot pa rin.

Tsk tsk. Lovers....

No comments:

Post a Comment