Monday, March 16, 2009

Si Zack, Mahilig Manggulat!

        Daming nangyari nung nakaraang Sabado. Una siyempre ang penultimate week namin sa Baseco for NSTPCWS, sumunod iyung three-hour outdoor pictorial ko sa may Liwasang Bonifacio para sa found still life at portrait, at finals portfolio ko. Tapos ang sumunod naman ang muling pagkikita ko at ng kaibigang matagal ko nang hindi nakikita sa loob ng matagal na panahon.

       Nagpapahinga ako sa may hagdanan sa loob ng Central Terminal LRT station habang naghihintay ng masasakyang tren. Bigla may sumigaw sa pangalan ko, "JAMES!". Tuminigin ako sa itaas, iyun pala si Zack iyung tumawag sa'kin!

      Si Zack o kilala rin sa tunay niyang pangalan na "Manuel Zack Dela Cruz" ay natagpuan ko sa Central kasama ang kasintahang si Leah. Hindi ako makapaniwala na kinukuwento palagi niu Zack sa kanya ang mga kuwento tungkol sa akin noong bata pa kami nina Zack at magkaklase pa noong pre-school days namin sa Montessori.

        Tinanong ko siya kung saan na siya nag-aaral pero sabi niya, naghahanap pa daw siya ng eskuwelang mapapasukan niya. Dati siyang UST pero lumipat sa UE pero may nangyari kaya in limbo pa ang status niya bilang estudyante.

     Habang nakasakay kami sa tren, wala kaming gianwang dalawa kungdi mag-usap tungkol sa mga kasamahan namin sa Montessori, ang kung ano na ang nangyari sa kanila. Grabeh, parang kailan lang talaga, naglalaro kami at ng mga kaklase namin ng mga palarong pambata.

       Ako iyung iyakin ng Montessori at siya iyung batang mukhang bingi ang ngipin. Si Nathaniel iyung tumae sa upuan, si Angelique naman iyung ka-duet minsan ni Michael. Si Cheenee kabrakada niya palagi si Aimee habang tinatawag ko palagi sa buo niyang pangalan si Mark as in "Mark Allan Paul". Si Paula iyung palaging pinag-iinitan kasi kadudaduda ang mga pinapasa niyang projects habang si Ibbar iyung recurring bully sa grade school life ko.

   Ang dami mga tao na nais ko na rin makita muli. Sa ngayon sina Carlos, Mark, Gerard, Michael, Angelique Ashley, Senelita, Mangga, Zack, Cheche a.k.a. April Joyce, Janine Allison Lleses, Janine Herrera ang mga nakita ko na nang personal habang sina Lucky, L.A., Jamelle, Kenneth at Kenji ang nakita ko uli via YM at Friendster.

            Sana talaga matuloy na rin ang di matuloy-tuloy na reunion naming mga Montessorian.

No comments:

Post a Comment