Monday, March 30, 2009

The CSB Experience 2: Paano Na Ba?

Bakit kaya siya ay nawala?
Bakit kaya siya di nagpaparamdam?

Sana lang ay hindi niya dinaramdam.
Sana lang ay loob niya hindi pinaghinaan.

Bakit ka nagwala?
Bakit kaya ganoon ang iyong gawa?

Sana lang ay walang nasaktan.
Sana lang walang nasawi sa iyong ginawa.

Kasiraan ng ngalan, kanya lamang nilinis.
Kasiraang nais iwasan ang mapagsarang pag-iisip

Kapalit ang di kanais-nais na pangyayari
Kapalit ang pagtapon sa kawalan.

Kasiraan ng ngalan, iyong nagawa
Kasiraang dinulot nang isipang pala-sara.

Kapalit ang kasawian ng iba
Kapalitan ang kanyang kawalan.

Alam ko na hangad mo ang magkalinawan
Alam ko na hangad mo na wala nang siraan.

Hindi mo na lang sana dinamdam
Hindi mo na lang sana pinatulan.

Alam ko na nais mong bigyan suporta ang hangarin
Alam ko na nais mo ang pagwasak na hindi.

Paano na ba kung huli na ang lahat?
Paano na ba kung sugat na dulot ay hilom hindi na?


WAKAS


No comments:

Post a Comment