[Patagu-tago mode...]
Calling out to my four-some look-alike geeks ehehehe. I know kung sinu-sino kayo, hindi niyo lang alam na kayo pala ang tinutukoy ko.
Medyo masaya ako ngayon kasi lagpas na isang taon nung nakilala ko kayong apat na kahit magkaiba sa iba't ibang paraan ay iisa ang parehong interes. Isang interes na natutunan kong mahalin.
Siyempre nauna na dito iyung isa na pumunta minsan sa Multiply ko. You're very much of a rebel, a person with a cause. Minsan medyo over pero may sense rin kasi nagbibigay ka lang ng opinyon. Masyado ka nilang minamaliit pero wala silang pinagkaiba sa ating lahat kasi entitled tayo sa ating mga views at opinions. At sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ay nasa tama, in the sense na may punto ka na hindi nila maintindihan.
Susunod naman ay isa na alam kong frustrated ngayon sa kanyang bagong kabanata ng buhay niya pero kahit papano ay nakakahanap pa rin siya ng time para sa kanyang sarili. Hehehe, medyo mahirap kang i-describe pero masasabi ko lang na ikaw ang isa sa mga tao na talagang nagbuka sa mga mata ko sa kakaibang mundong pinasukan ko. You somehow managed to pull it through the hardships of being a part of the 'higher ups' with fail but somehow you were able to make friends with your idols, something I'm always afraid of doing if I have the opportunity. Your take on life always amaze me, your words of encouragement and wisdom never fails to help me when I'm down.
One...two...three...four. Di kapanipaniwala ang mga ginagawa mo. Something of a hobby that became a lifelong passion, a passion shared by many. Despite how busy you must be now, you'd always find a time to count the songs that come out in every chart aired on every medium available. Other than that, we somehow shared a liking towards a network most often underestimated because of its affiliation to a bigger one. Hindi mo lang siguro alam pero kungdi dahil sa yo, malamang ay forever adik ako sa mga bagay na iilan lang ang nakakaalam. Ngayon, at least, lumago na ang mga interes ko, mga interes na meron din mula sa mga kaibigan ko sa eskuwela.
Last but not the least ay ikaw na naging guro ko sa maraming paraan na di ko akalain ay posible. Nilaan mo di lang sakin kungdi sa iba ang daan para malaman namin ang kasaysayan ng mundo na kung tawagin natin ay telebisyon at radyo. Dala na rin sa pagiging 'history buff' ko, ang dami dami kong natutunan mula sa iba't ibang taong bahagi sa industriya na dati kang naging bahagi. Halata na magkaiba ang mga pinapanigan natin, hindi ito hadlang para ma-share natin ang kinahihiligan, mula sa palabas hanggang sa discussion ukol sa kasaysayan. Hanep talaga ang kaalaman mo sa nakaraaan! Hanga ako sa bagong hamon na iyong kinahaharapan sa buhay, basta wag ka lamang susuko dahil siguradong nasa likod mo ang mga mahal mo sa buhay. Continue what you've started and you'll go a long long way! (Teka, commercial ata ng Petron iyung binanggit ko ah?)
Hindi binabase sa kung gaano kahaba ang mga nasusulat kong paragraph sa inyo para lang malaman niyo kung gaano ako nagpapasalamat na nakilala ko kayo. Kahit na hindi pa tayo harapang nagkikita, isa lang ang sigurado. Utang ko sa inyo ang lahat nang pagbabago na pumasok sa buhay ko noong nakaraang taon.
Maraming, maraming salamat sa inyong APAT!
Friday, March 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment