Wednesday, August 8, 2007

Buhay Kolehiyo: Experiencing Signal No. 3

    Actually, nakaranas na ako ng signal no. 3 ng mangilang beses na pero as a college student kumbaga, ngayon pa lang. Siyempre, bilang collegian, malaking disadvantage ito sa'yo na kahit kung signal no. 2 pa lang eh kailangan mo pa ring pumasok: sasakay ng trak ng militar sa pupuntahan mo, stranded sa isang isla ng daang binabaha at patas ng pataas pa, kahit malayo man at nasa pinakapaektadong lugar ang tinitirahan eh pinapapasok ka pa rin ng propesor mo.

    Iyon ang malaking problema kinakaharap ng mga collegians tulad ko na hindi naman nagdodorm or condo (sosyal ang mga nakaka-condo) at nakatira sa mga suburbs ng Metro Manila at ng mga karatig lalawigan kung saan pumapasok sa pamamagitan ng pamamasahe ng mga transportasyong pampubliko (manigas ang mga nagrereklamong masyadong malalim ang pananagalog ko, sanay lang kasi kayo mag-Taglish). Ako nga, taga-Valenzuela, bahagi ng subregion ng Kalakhang Maynila na kung tawagin ay Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela).

    Siyempre, ang Valenzuela ay may kataasan rin kaysa sa ibang lungsod ng rehiyon dala na rin na likas na palayan ang pundasyon ng lungsod kahit amy mga mangilang ilog tulad ng Polo at Tullahan na dumadaloy pababa ng Manila Bay. Pero malas nga lang ang lokasyon ng bahay namin kasi nasa border kami ng Valenzuela, Malabon at Obando. Ang exterior ng Obando ay likas nang bahain dahil doon matatagpuan ang mga palaisdaang puno na ng mga basura'ts dumi ng mga nakatayong pabrika't katayan kaya may reputasyon ang bahagi ng Obando na ito sa pagiging likas na mabaho, buti na lang eh medyo inayos na ang dating wasak at mukhang binomba na daan nito na kumokonekta sa karatig lungsod nito na Malabon (patungong Barangay Hulo) at Valenzuela (patungong Brgy. Arkong Bato).

    Ngayon problema naman eh yung nasa Malabon. Ang Malabon kasi ay likas na bahain, dahil ang kabuuang lupa nito ay nireclaim galing sa look at ilan metro ang lupa nito sa ilalim ng lebel ng dagat, kaya prone na itong mabaha, lalo na kapag high tide. Ngayon, problema ko ngayon eh dahil kapag baha ang Malabon, damay lugar namin kasi minsan, sa lugar namin nahuhulog ang karamihan sa tubig baha nila kaya kami ang napeperwisyo sa katapusan ng araw (nge...). Lalo pa't ang Malabon ang una kong nadadaanan habang pumapasok sa eskwela

    Siyempre, college na ako, at kahit kung signal no. 2 pa lang ay kinailangan ko pa ring pumasok pero kung malakas na ulan, high tide, umaapaw na kanal, estero't daanang ginawang swimming pool ang pinag-usapan, eh huwag na lang ako pumasok. Ispiin mo na rng kung mag-break down o kaya our of service ang operasyon ng LRT pagdating ko ng Monumento, paano na?

    Hindi naman sa nais kong magskip ng  klase pero napaka-risky na sa bahagi ko na pumasok kung ang babati sa'kin eh ang mga masamang elemento ng tag-ulan kaya mas mabuti na lang ang ganito, hahanap na lang ako ng mas magandang paraan para makabawi sa aking mga leksyon.

No comments:

Post a Comment