- Fidel V. Ramos (April 1997)-Ito ang talagang astig at naaalala ko pa. Akala ko iyung mamang kalbo na nakikita ko sa TV eh mamang kalbong sabi ng sabi. Kasi, may event dati sa Department of Finance kung saan nagtatrabaho mommy ko. Kasama ako sa mga batang naka-linya sa me harap katabi iyung mga flagpoles. Sabi ng isa sa mga kasama ko, parating na si FVR. Di ako siyempre naninawala pero nung nagsidating na ang press people, nasa gitna si FVR. As in, "Waah, si FVR nga totoo pala siya!". Lumapit kaming mga bata at nakakauha ako ng pagkakataong kausapin siya. Bilang patunay, meron akong litrao ng araw na iyon na kasama ko si FVR, as in magkatabi kami pero pangit ang posisyon ko. Kung makikita niyo naman ang picture eh you'll see na medyo di ako komportable.
- Frenchie Dy, OJ Mariano, and the judge from Star in a Million, Basta Kasama Kita co-star, Joross Gamboa, Edu Manzano, Zsazsa Padilla, Ryan Agoncillo, Erik Santos, etc. (August 2003)-it was a staurday, two days bago ako mag-exam. Pumayag ako sa ate ko na sumama sa Grand Finals ng Star In A Million kasi gusto ko makakakita ng sikat. Nasa ABS-CBN compund pa lang kami eh nakakita na ako ng ilang mga sikat. One eh iyung co-star nina Judy Ann Santos sa Basta't Kasama Kita, si Joross Gamboa na nakakulay pink na polo shirt at paalis papuntang taping ng SCQ Reload (napanood ko episode na suot niya iyon), si Direk Fritz na judge na paalis mula canteen. Si OJ Mariano na isang finalist sa show ang talagang nakausap ko ng personal. Si Frenchie Dy na naging winner eh nakakuha naman ako ng pirma niya. Swete ko nga eh, kaso di kami nakunan ng cameraman, sayang. (Ongong rin that time yung auditons for SCQ 2 at Starstruck 2)
- Isabela De Leon (2006-May 2007)-Akalaing taga-Valenzuela rin siya tulad ko. Nag-aara; siya sa Our Lady of Lourdes University at first year HS na siya ngayon. Isa siya sa mga tinuturuan ng intructor ko sa Taekwondo kaya doon ko nalaman na siya pala si Duday. Naging friends nga kami eh, tawag niya sakin "Kuya" which is actually a big thing for me. Bilang patunay, nasa J-Pics iyung Picture na nakunan ko kasama siya.
- Maritoni Francisco and Hans Montenegro (2004)-Di naman kami mayaman pero we get to eat at this palce sa Fort na kung tawagin ay The Good Earth (by Peark S. Buck). Nagso-serve sila ng Chinese food at not from afar eh nagkita ko iyung magkasintahan na kumakain.
- Leo Oracion (September 2006)-Pumunta ito sa Saint James Academy nung nagkaroon kami ng Honor's Convocation. Nandun kasi siya sa dahilang ginawa siyang honorary coordinator ng Lakbay Kalikasan na nagcoconduct ng Educational trips sa mga eco-parks ng Pilipinas (Biak-Na-Bato, Seven Lakes, Mt. Banahaw, Taytay Falls, Mt. Makiling). Nakakuha ako ng autograph mula sa kanya at may picture pa kami.
- Manolo Quezon (July 2007)-Very odd ito. Sumakay ako ng elevator ng CSB, tapos may tao, isa mukhang pamilyar. Nasa isip ko bigla si Manolo Quezon, eh siya pala iyon. Lumabas siya sa first flor deretsong parking lot. Speechless, iyun lang.
- Dino Imperial (July 2007)-Nasa me Benilde Hall ako, deretso papabalik ng Maria Hall. Mula labas, nakikita ko may happening, iyun pala may promo ang PLDT myDSL kasama na iyung Endorser nila na si Dino Imperial who's a second year MMA major sa CSB.
- Serena Dalrymple (July 2007)-Nag-aaral pala ito ng Export Management, ka-Batch ko pa. Nakita ko siya sa LRC nag-aaral. Speechless rin ako at manghangmangha.
- Kjwan (June 2007)-Naalala ko itong bandang to nung Frosh Night. Binuhusan ni Marc Abaya ang mga tao sa harap ng audience ng mineral water na ininom niya (including this writer).
- Callalily (June 2007)-Sama sila sa mga nagperform nung Frosh night, maraming nagsigawang mga kababaihan at nagrakrakang kalalakihan na naka-Black (since that was a Friday, every friday since then became known as Black Friday).
- Itchyworms (June 2007)-Yah, sila ang unang sikat na banda na nagperfrom. Nasa harap ao buti na alng nakakuha ako ng close-up picture kasi nasa harap ako. (Isasama ko pa ba Pinikpikan?)
- Alfred Vargas (January 23, 2007)-Entrance exam ko sa USTe at nang iba sa Ateneo. Sinundo ako ng mga magulang ko at dumiretso malapit sa isang subdivision malapit sa La Mesa Dam, although di siya yung subdivision na pinapatigil ng mga enviromentalist. Umattend kami sa pagbbebless ng bahay ng isang miyembro ng Board of Trustees ng MWSS kung saan member ang mommy ko at head ng Borad ang isang member ng SJA Batch 1960 (yata). Isa sa mga dumalo ang pamangkin ng isang board member, none other than Alfred Vargas, Gulat ako kasi, akalain mo namang nandyan pala siya sa harapan. I get to talk to him pero starstrucked ako. Wala sigurong gagawin that time (ongoing pa SOP nung time na iyon) so siguro nakahanp na siya ng time para bumisita.
- Matthew "Mattie" Joseph Thaddeus Stepanek (Spring 2002)-Siya siguro ang masasabi kong pinakabatang siat na nakilala't nakauspa ko ng personal. Isa siyang child writer na may sakit na msucular dystrophy. Kung buhay sana siya ngayon, 16 years old na siya nung July 17. Nasa Amerika pa ako noon at inimbita ng pinapasukan kong eskwela yang si Mattie, actually magkakilala sila ng isa kong ka-eskwela na si Emily. Ikiniwento niya samin ang malungkot na buhay niya dala sa sakit na kumitil sa buhay ng mga kapatid niya at tumama rin sa nanay niya. Alam naman niyang di siya magtatagal sa mundo kaya mnabuti niyang i-spend ito sa papamamagitan ng pagsulat ng mga librong puno nang mga tula niya, isang set ng libro na may pangunahing pamagat na "Heartsongs". Dalawang tao, pa siya mag-14 binawian na siya ng buhay nung June 2 taon ang nakalipas.
Saturday, August 11, 2007
Star Sightings Galore, Up Close and Personal
Alam niyo, iba talaga kapag nasa harap mo mismo ang isang kilalang tao. Ako, ewan ko nga lang, pero nakakailang bese na ako nakakita ng mga sikat na tao. Heto nga iyung ginawa kong listahan ng mga sikat mula iba't ibang larangan na nakilala ko't nakita (di kasama iyung pumunta ako sa Happy 50 TV sa The Fort):
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
UP
ReplyDelete