12:00 AM (12 NN August 30 EST)-Gumagawa ako ng plates for Natsca1
1:00 AM-Kinuha ang mga inuulanang mga amit na nakasampay sa roofdeck tapos derecho nang natulog sa kwarto ko.
6:00 AM-Nagising at nagalmusal
7:00 AM-Pinagpatuloy ang paggawa ng plates sa PC (Binati ako ni William via Facebook)
9:00 AM-Dumating ang mga basurero sabay alis na ako papasok
9:45 AM-Nagpagasolina sa isang gas station sa Potrero iyung sinasakayan kong jeep
10:00 AM-Sumakay sa LRT sa may Monumento
10:35 AM-Nakarating sa Vito Cruz Station
10:45 AM-Naabutan ang huling araw ng Ordev-A
11:00 AM-Nananghalian sa may canteen, bumili ng pagkain sa KOI, ayoko kasi Pao Tsin, dami masyadong tao. Ano kaya nagustuhan nila sa Pao Tsin...Weird...
11:30 AM-Nagpatuloy sa pagtatapos ng plates sa Plaza Villarosa
2:00 PM-Natapos na ang plates
2:00 PM-Binati ako ng mga ilang kaibigang taga CDA.
2:10 PM-Bumalik sa M506 at binati ako nina Joaqui
2:30 PM-Huling araw ng Filip11, natawa sa Harry Potter talk ni Niko
3:40 PM-Huling araw ng History, naggroup activity, grupo ko nanalo, yehey!
4:50 PM-Huling araw ng Natsca1, pinasa ang mga plates ko at inenjoy ang nalalabing oras.
6:00 PM-Nagtatanung tanung ako ng ilang students for Natsca1 (for purposes on the 3rd), nakapagsurvey na ako ng isang CA, CDA at AM.
6:15 PM-Sumakay ng LRT pauwi tungo Monumento
7:45 PM-Nakarating na sa bahay, binati ako ni bunso
8:30 PM-Dumating sina Papa at Ate na kay panget talaga ng mukha.
9:00 PM-Dumating na rin si Mommy namay dalang lechon mula kay Andoks mula Tatawid, Santulan, Malabon.
9:30 PM-Naghapunan kaming buong mag-anak
10:15 PM-Nanood ng TV
10:30 PM-Nagdasal bago matulog
11:00 PM-Nagsipiliyo tapos nanood ng konting TV sa extension ng bahay
11:15 PM-Patulog na ako nang tumawag sa cell ko si Charlotte
11:25 PM-Natulog na ako ng mahimbing
12:00 AM Sept. 1 (12 NN August 31 EST)-Nagtext si Rex, tulog na nga lang ako.
Friday, August 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
PAO TSIN's fried shark's fin with rice.. yun ung reason behind the lines... :p
ReplyDelete