- Sunday: May dumapo sa'king tae ng ibon sa buhok ko pagkapasok ko sa simbahan sa Malabon.
- Monday: Sinira ng bunso ko iyung Skullcandy headphones ko nung hiniram niya nung Sunday. Naghahalaga siya nang Php2k! Nung Monday ko lang nalaman
- Tuesday: Grace period, buti na lang!
- Wednesday: Bisperas ng Pasko, aksidente kong binasag isang lababo sa banyo ng ninang ng mommy ko sa Maysilo, Malabon. Isasara ko sana iyung pinto bago ako magbanyo kaso hindi ko napansin na may nakakabit pala itong hook na kailangan tanggalin bago isara ang pinto. Pagpilit ko pa lang na isara ang pinto, di sinasadyang nahatak ko ang nakasabit nitong lababo kaya nahulog ito at nabasag! Diyos ko!
- Thursday: Hay, Christmas na Christmas, nangyari na naman. TWICE! Kakain sana ako ng tanghalian nung family reunion namin kanina sa Malabon. Umupo ako sa isang plastic na upuan at nilagay ko pagkain ko sa isang maliit na plastic na mesa kasabay ng ate ko't pinsan. I-addjust ko na lang sana sarili ko sa upuan nang nabangga ng mga binti ko ang mesa't napahulog ang isang nakabukas na bote ng softdrinks (soda ko!). Natapon, kumalat sa mesa. Nangyari uli nnung pilit ko uli galawin sarili ko.
Thursday, December 25, 2008
James' Series of Unfortunate Events
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
special mention c jeco!...uyyyyyyy!!!..anong mron sa inyong dlwa??nung paskuhan ko p nhhlata ah!!..hehe
ReplyDeletedeh, kasi nagreply siya sa previous blog ko na sabi niya mahal lang ako ni God kaya ako dinapuan ng tae ng ibon nung nagmisa kami ng pamilya ko sa maysilo
ReplyDeleteahh..hahaha..e2 nman! cniseryoso! jok lng..XD
ReplyDeletepero seryoso, minamalas ako ngayong linggo
ReplyDelete