Wegh, late na late na to since nung bakasyon! Okey, so hindi ko pa kayo nabibigyan ng follow-up kung ano ang nangyari sa supposedly meeting namin sa coach ng taekwondo varsity ng CSB.
Nung araw na magkikita kami, hindi ako pinayagan ng nakakainis na manong mukhang aktibista ng visitor desk sa DLSU-M. Doon kasi kami dapat magkikita kung saan, nagsasagawa siya nung panahong iyon nang training sa members ng varsity.
Since, nandoon rin naman ako sa area, plano ko namang hanapin ang nawawalang course card ko sa ngayo'y dating opisina ng SDA sa 7th floor. Nung nandoon ako, sinubukan ko na lang na i-text ang coach para malaman niya na hindi ako pinayagan na pumasok ng La Salle. Nagreply siya, sinasabing hindi rin siya makakapunta (o parang ganoon ang nangyari kasi tagal na).
Hindi nagtagal, tumawag siya sa cellphone ko para kahit papaano ay magkaroon na kami nang linawan. Binigay ko sa kanya ang mga detalye na may relasyon sa pagiging dating atleta ko noon. Kaso, nung nalaman na niya, heto na ang naging paliwanag niya na talagang ikinagulat ko:
Ayon sa kanya, ang hindi blackbelt ay hindi maituturing opisyal na miyembro ng varsity. Maari ako sumali sa training nila, wala akong matatanggap ng mga pribilehiyo gaya nang paunang enrollment, at iba pa. Parang may mali nga lang, kasi may kaibigan ako na nagsasanay para maging miyembro ng arnis varsity pero kahit hindi pa siya opisyal na bahagi ng varsity (mga under 'probation' kumbaga), meron na siyang mga ganong klaseng pribilehiyo. Ang labo 'no?
Matapos kong malaman, nagpasalamat na lang ako sa kanya dahil sa oras na inilaan niya para sa akin ukol sa planong ko sanang pagsali sa varsity.
Sayang talaga ang pagkakataon. tsk tsk tsk.
Sunday, December 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment