Wednesday, December 17, 2008

Kaibigan

I wrote this song out of complete boredom. Sinubukan ko lagyan ng tono via Garageband, okay naman kaso di ko marecord (Loko to ah). Usually, whenever I wrote poems or songs, it indicates that I had something in mind and I had the urge to let it out.

 As for this song, it's all about being a friend to your friend. No matter the circumstances that he may be in, he knows that his friend will be there always to remind that he's here to support him.



KAIBIGAN
1.
Kaibigan, kumusta na?
Ngayon lang tayo muling nagkita
Ano ang bago sa buhay mo?
Sabihin mo sa'kin kahit anu-ano.

2.
Pero kaibigan,
bakit nga naman
ang dami mong problema?
Kawawa ka naman.

Koro:

Hindi mo na kailangan mahulog sa bisyo
para takasan ang pinoproblema mo.
Nandito naman ako, ang iyong kaibigan,
Kuya, kadugo, at kapamilya.

3.
Kaibigan, ano ang bago sa'yo
Insecure ka lagi sa imahe mo.
Tandaan mo lamang na okay lang.
Ang tao ay di perfect kaya tayo ganyan.

4.
Isipin mo na lang,
ang magaganda.
Basta huwag sa chicks,
maba-basted ka lang.

Koro2:

Huwag ka malulong sa kagaya ng alak
Walang magandang dulot ang mga ganyan.
Huwag mo hinaan ang iyong loob,
Handa akong maging kaibigan, mo...

5.
Ikaw ang matalik kong kaibigan,
Narito ako dahil nandito ka
Huwag ka susuko sa laban ng buhay
Basta't kasama mo ako, pati na rin sila

Koro 3:

Hindi mo na kailangan mahulog sa bisyo
para takasan ang pinoproblema mo.
Nandito naman ako, ang iyong kaibigan,
Kuya, kadugo, at kapamilya.

Kaibigan....Kaibigan....Kaibigan mo ako!

No comments:

Post a Comment