Nung Second Year High School pa ako, exam ko the next day sa Math, kaya umuwi muna ako sa bahay namin para kumain tapos nagbihis. Tsaka na lang ako umalis pababalik ng SJA, para sa remedial class ko (na ang panget ng abreviation, ASS as in Academic Support System).
Agad ako sumakay ng jeep na deretsong Sangandaan. Nung time na iyon, wala akong napansin na kakaiba hanggang sa may Maysilo na ang sinasakayan kong jeep. Lumingon ako mula sa bintana at may napansing kakaiba't pamilyar sa isang pasahero na nasa harapan ko: maputi, bilog ang mata, mala-rosas ang labi. No doubt, si Ashley Martin ito!
Turns out, siya nga!
Hindi nga ako makapaniwala, pero ang mas di kapani-paniwala, nasa jeep na pala siya bago pa man ako sumakay. Doon pa lang, napansin na niya na ako pala iyon: ang James na nakilala niya ilang taon na ang nakakaraan. Hehehe, ang saya saya ko!
Iyun nga lang, pagdaan sa Francis, doon na siya bumaba kasi may gagawin siya at ng kasama niya sa Concepcion. Ako naman, nakarating na sa Bayan pero pinagalitan ako ni Ms. Aldea kasi, bukod pa na late ako para sa ASS, hindi pa ako naka-school uniform.
Puwede naman ako kumain sa labas para mananghaolian pero magkano ba ang nabibigyan saking baon noon?: singkuwenta pesos! Sus, la na nga ako pamasahe doon eh hehehe :P
Monday, January 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment