Tuesday, January 20, 2009

The CSB Experience 2: Not the Answer

      I'm not gonna mention her name but she shared something with me. I'm not gonna tell anything much but I'm merely gonna say my two cent's worth of she's going through.

     I completely understand her situation.  People close to her are oblivious to what she's going through. She's stressed out not because of her studies but to something else. Because of it, she's doing something to cope with her complete distraught towards it. She herself confessed to me that she doing something to discontinue once and for all.

    Okay, that's as far as I can go so here's what's on my mind:

      Mabuti na rin na inamin niya. Unang hakbang ito para sa kanyang pakikipagsapalaran patungo sa panunumbalik ng self-esteem niya. Ang masasabi ko lang, kahit anong problemang na pinapaharap sa kanya ng tadhana, wala siyang magagawa kungdi harapin ang mga iyon. Hindi niya dapat iwasan ang mga ito, maski takbuhan dahil susulpot at susulpot pa rin niyan.

        Hindi naman perpekto ang tao, walang taong ang may walang problema sa buhay. Lahat tayo ay may problema sa buhay. Bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon natin ng mga problema, at nasa atin ang kamay para bigyan ng kalutasanan ang mga tulad nito.

      Ang paraan niya para harapin ang problema ay hindi lutas sa problema. Mas lalo itong magpapalala sa sitwasyon niya. Ikasasama pa niya ito.

       Ang pagiging positibo tungo sa buhay niya at sa sarili niya ay talagang makakatulong. kailagan niyang palakasin ang kanyang lakas ng loob para labanan ang nagdadala sa kanya ng sobrang lungkot at depression.

     Hindi natin napipili ang mga taong gusto nating kapiling pero hindi ibig sabihin ay hindi natin sila pakikisamahan. Kailangan lang natin ma-adjust sa ugali nila, pero kailangan rin natin i-adjust ang sarili natin para na rin sa kanila. Hindi plastikan ang nais nating pakikipagtungo sa kanila pero respeto at tamang pag-iintindi ang susi sa mabuting samahan.

I wish her the best for her bold endeavors!

No comments:

Post a Comment