Nakakatawa 'tong nangyari sa'kin kanina lang, hehehe! PInayagan na ako ng prof ko na umalis na nag maaga matapos kong kumpletuhin ang mga plates ko sa kanya para sa Techdrw na ginaganap lang tuwing Wednesday mula ika-6 hanggang ika-9 n.g. Umalis na akong SDA, pasado alas otso ng gabi. Nung nasa may P. Ocampo na ako, may mga nakasabay ako na mga atleta ng school.
Naglakad ako kasabay ng mga atletang iyon hanggang sa may kung ano ang nagpapatid sa paa ko. Dahil doon, biglang nawalan ako ng balanse sa aking katawan. Ilang beses akong pala-bagsak pero pinipilit kong balansihin ang bigat ng katawan ko. Hanggang sa aking tuluyan paghulog, ginamit ko lang ang kaliwang kamay ko para ma-break ang fall ko.
Napahiya ako sa mga taong naka-saksi sa nangyari. Iyung mga nakasabay kong mga atleta, nagulat sila bigla, nauna na sa paglakad tapos mukhang napatawa sila sa nangyari sa'kin habang ang ibang mga tao, nakatingin lang sa'kin na parang "Huh? Anong nangyari diyan?". Tawa na lang ako.
Turns out, napatid ako sa may sidewalk malapit sa driveway ng isang payparking place katabi ng Kenny Rogers, bago dumiretso patungong himpilan ng LRT-Vito Cruz. :D
Fast Notes: 1)Surprised to see that a lot of people took great notice to the banner change. Wanna thank the 7 people (and counting) who viewed the page. :D, 2)Within three months or less, I'll be compiling the pictures taken during the mini-fair and turn them into a possible slideshow movie. I already have some interesting soundtracks in mind which I wanna incorporate into the movie :D, 3)Advance congratulations to the newly-elected and soon-to-be inaugurated 44th president of the United States of America, Barack Obama. May the force be with (and also with you) :D.
Tuesday, January 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment