Monday, January 26, 2009

The CSB Experience 2: A SHRIM-pymazing Race

      Sabi ng iba diyan,  ang weird daw ng CSB. Sure, may mga pagkakataon na may mga nagka-cosplay ang ilang Benildyano, may iba na nag-uuniform, me iba na naka-formal. Pero, "weird"? Din naman! Naku, kung ikaw ba ay nag-aaral sa institusyong ito, ganun pa rin ba ang iisipin mo?

Blog Proper:

       Kakaiba itong naranasan ko kaninang tanghali. Katatapos ko lang kumain sa may Main Caf, iinom na sana ako sa may fountain pero pagkainom ko pa lang...."AHHGGHH!"

    Siyempre, di ganung  ka-exaj pero dinumog ako bigla ng isang katutak na mga HRIM people (in blazers, coats and polo with ties) na nagsisitakbuhan patungo sa direksyon kung saan ako naroroon. Isa sa kanila may hawak na papel at binabasa niya iyon ng malakas. Turns out, direksyon yon sa isang pagsubok na dapat nilang gawin: Lahat sila, iinom ng tigtatatlong basong tubig. Lumayo na ako sa kanila at kinuha ko ang mga gamit ko't nagmadaling lumabas. Mukha atang nasa kalagitnaan sila ng isang mala-"Amazing Race" na pagsubok.

       Dahil sa hindi pagtuloy sa pag-inom ko ng tubig, tumungo na lang ako sa may fountain sa labas ng cafeteria. Iinom na rin sana lang ako, tsaka biglang nagsilabasan ang mga HRIM guys at tumungo naman kung saan ako nakatayo. Isa sa kanila ang sumigaw "OVER THERE!!" tapos bigla sabay nagsitakbuhan patungong Solomon Hall. Buti naka-iwas ako sa stampede nila.





Weird :D

2 comments:

  1. parang irony rin kasi hehehe. Comes to show na masaya maging Benildean

    ReplyDelete