Monday, October 6, 2008

Ang Baha sa May Amin

May hirit pa ako kaya di ko kayo titigilan!

Iyung  baha sa subdivision namin ay hindi na bumaba. Kung nagsubside man, doon lang sa area namin at hindi sa iba pang bahagi ng kapitbahayan (kalahati ng subdivision tinaas at sinemento na! Lintek ba't ang kabila di rin itinuloy?!)

Ilang buwan na nandoon ang baha sa'min simula pa noong unang bumagyo sa Hunyo tapos nagtuluy-tuloy na...Lintek.

Akala ko pa naman nung may nagtataas na ng kalsada sa kabilang banda ng subdivision ay matatapos na rin sa wakas ang problema namin sa baha. Iyun pala hindeh!

Nakakalungkot kasi dati naman panandalian lang talaga ang pananatili ng mga baha sa lugar namin, mga mula 2-5 linggo lang bago bumaba. Natagalan nga lang kapag naapektuhan kami mula sa mga high tide ng Obando, Bulacan at ng Malabon-Navotas, kumbaga nagiging kitchen sink ang aming barangay!

CALLING MAYOR SHERWIN GATCHALIAN AND 1st DISTRICT REPRESENTATIVE REX GATCHALIAN, KAILANGAN NG TULONG NIYO ANG MGA MAMAMAYAN NG ARKONG BATO!!

Mga BUWISET!

No comments:

Post a Comment