Thursday, October 23, 2008

The CSB Experience 2: Ang Gym sa AKIC

Sa wakas, natapos na rin ang matagal na paghintay dahil bumalik na rin sa orhinal na tirahan ang GYM sa AKIC.

            Matagal na rin palang may gym ang CSB noong nakaraang taon pa. Nung second term ak nakakuha ng pagkakataon na mapuntahan to, iyun nga lang ang oras na nakalaan sa mga estudyante ay limitado mula alas tres hanggang alas kuwatro ng hapon. Nung mga panahong iyon, dalawang araw, Martes at Huwebes, ang tanging mga araw kung saan wala na akong mga klase sa ganong mga oras.

            Sa habang nandoon ako, dami kong mga nakilala na mga tao, mga madalas kong nakikitang pumunta doon para magbuhat: mga atleta, estudyante, propesor, maging  mga non-work personnel. Ang namamahala ng gym doon ay isang prof na kung  tawagin ng nakararammi ay si Sir Bong.

            Malaking gulat ko lang noong nalaman kong planong ilipat ng nakatataas ang gym sa Blessed Subilion Hall, ang tirahan ng mga atleta sa Pasay. Considering na malayu-layo rin ang lalakarin bago makarating doon, marami diumano’y mga kapwa estudyante ang nagreklamo tungkol sa paglipat daw.

            Relieved na ako na naibalik na sa dating kinalalagyan ang gym, sa mas accessible na Angelo King International Center sa Arellano Avenue.

            Ang mas maganda na doon, nagkaroon na rin ako ng sarili kong mga kasamahan sa tuwing pumupunta ako doon para magbuhat. Sila’y mga kapwa mga kamag0aral ko sa ilang mga klase na pareho naming pinapasukan ngayong term. So napaka-encouraging tuloy na ipagpatuloy ang gawiang to dahil alam mo na may mga makaksabay kang mga tao na lubos mong kilala lalo pa’t wala na ang pakiramdam na nag-iisa lang ako doon.

            May mga bali-balita na plano raw magkaroon ng sariling Sports Center ang CSB sa hinaharap para hindi na magrely masyado sa paggamit ng mga pasilidad ng Enrique Razon Sports Complex ng DLSU-M. Mabuti nga ang ganoong ideya ngunit maraming problema ang kailangan malutas ng nakatataas para maisakatuparan ang mithiing iyon tulad nang 1)lugar ng pagtatayuan, 2) panahong ilaan sa proyekto, 3)accessibility para sa mga estudyante.

 

Nice!

 

No comments:

Post a Comment