Nagkakilala kami nung nasa Amerika pa ako, June 2001. Magbusmates kami sa pagpasok at pag-uwi mula sa eskuwela.
Naging magkaklase rin kami kaya hindi rin naman nagtagal ay naging magkaibigan kaming dalawa.
Dala na rin na pareho kaming mga Asyano't may pagkakapareha sa ilang mga bagay-bagay, naging matalik kaming magkaibigan. Naalala ko pa nga na tuwing Tuesday at Thursday ay tumatambay ako sa suite nila para gumawa ng homework, maglaro ng Gamecube at manood ng TV. Bukod pa doon ay pinaghahandaan kami ng merienda nang mom niya na naabutan kong nanonood ng East Meets West sa Food Network.
May kahiligan siya sa mga eroplano kaya ang dami niang mga libro tungkol sa mga warplanes, at mga tungkol sa World War II. Kuwento nga niya sa'kin minsan na ang dahilan kung bakit naging anti-Semitist si Adolf Hitler ay dahil diumano sa isang pangyayari noong bata pa siya. Naging Ju-On si Hitler kumbaga.
Nung tuluyan na akong umalis at nakabalik na sa Pilipinas, patuloy naman ang kontakan namin sa isa't isa, lalo na ako na mahilig mag-IDD sa mga kaibigan ko sa VA.
Huling pagtawag ko sa kanya, naalala ko sinabi niya sa'kin na magbabakasyon siya at nang pamilya niya sa Korea (Koreano siya). Isang taon lang daw sila dapat doon pero taon na ang mga dumaan at ang balita ko sa mga kaibigan ko sa States, di pa rin daw siya umuuwi sa Virginia. Naiinis ako kasi bitin ang last call ko sa kanya, naubusan kasi akong ng load.
Hanggang sa nagFacebook ako noong isang taon, naging konektado na ako sa karamihan ng mga kasamahan ko nung Grade 5 (at di pa uso Facebook dito, ako lang ata ang taga-Pilipinas na gumagala doon:P). Hindi rin naglaon nakita ko na rin ang nawawala kong kaibiganng Koreano sa Facebook. Magka-contact sila ng isa pa naming kaibigan na kapwa-Asyano rin.
Eventually magka-Facebook na rin kaming dalawa at nagsulat ako ng PM sa kanya, kinamusta ko siya kaso hindi umimik. Ilang buwan na rin ang lumipas, walang bagong aktibidades ang nangyayari sa kanyang account hanggang sa "POOF", nawala na rin ang kanyang account sa Facebook.
Gusto ko kasi na mag-usap na uli kami kasi bitin ang huli naming pag-uusap so utang ko sa kanya ang hindi namin pagkakaunawaan kung anuman ang naging huling pag-uusap namin.
Kamakailan lamang ay nagkrus uli kami ng landas, ngayon naman sa MySpace. Ilang buwan ang nakakaraan ay nagtayo ako ng account sa domain na iyon kaso bihira ko lamang ito bisitahin.
Sumagi lang sa isip ko ang kaibigan kong iyon kaya sinubukan ko na hanapin siya sa MySpace kagabi. Nagulat ako na nandoon lang pala siya! Susmaryosep! HIndi naman ako umaasa't trip ko lang gawin iyon pero hindi ko inaasahan na iyun nga, makikita ko na siya doon.
Alam kong siya iyon dahil bukod sa pamilyar na mukha niya, maraming nagcomment sa profile niya binati siya para sa kanyang kaarawan noong nakaraang taon. Naalala ko pa ang buwan ng kanyang birthday, November so siguradong sigurado na ako sa kanya. Huli siyang nag-online, noong Septmber 18 lang.
Ayon sa profile niya, nasa kolehiyo na siya at kumukuha ng Industrial Engineering bilang kurso niya.
Salamat na sa pagkatagal-tagal na panahon, natagpuan ko na rin siya sa wakas! Salamat!
No comments:
Post a Comment